Bilang isang lingkod-bayan, ina at Taclobanon…KARLA, apektado sa pamamaril ng dalawang Grade 9 students (ni: ROSE GARCIA)
- Published on June 24, 2026
- by Francis Paolo Torres
DAHIL isang Taclobanon, apektado si Karla Estrada sa naging school shooting sa San Jose National High School.
Dalawang Grade 9 students ang namaril.
“Bilang isang lingkod-bayan, ina at Taclobanon na nagtataguyod ng kapayapaan, mariin kong kinokondena ang naganap na pamamaril sa San Jose National High School.
“Ang ating mga paaralan ay dapat manatiling ligtas na lugar para sa bawat bata. Nananawagan ako ng agarang at konkretong hakbang upang mapanatili ang seguridad at kapayapaan sa ating komunidad.”
Kunsabagay, kahit naman hindi taga-Tacloban, naapektuhan sa pangyayaring ito.
***
DINGDONG, ‘di makapaniwala na kasama si ZIA bilang voice talents
ILANG taon mula ngayon o pagka-graduate ni Zia Dantes ng college, hindi kami magugulat kung tuluyan na niyang susundan ang yapak ng kanyang mga magulang.
Si Zia ang unica hija ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera. Bukod sa ganda, napaka-talented ni Zia who can sing and dance at ‘di na rin kami magtataka kung may talento rin sa pag-arte.
Heto’t kahit si Dingdong ay ‘di makapaniwala na kasama na niya si Zia bilang voice talents.
Sabi ni Dingdong sa kanyang socmed post, “Parang kailan lang.. ngayon vumo-voice actors na tayo sa Sun Chaser, Ate Z. Always proud of you.”
Napapanood na sa You Tube ang Episode 1 ng Philippine animated web series na “Sun Chaser”. Kuwento ito ng teenager na si Jordan Santos, voiced by Manny Jacinto. Tampok sa kuwento ang mga Pinoy mythology tulad ng dwende, manananggal at iba pa.
Boses ni Zia si Sessa na pinsan ni Jordan. At si Dingdong naman, kontrabida ang bobosesan na si Necrofrost.
Iba pang mga voice actors ay sina Charo Santos, AC Bonifacio at Liza Soberano.