Inaming matagal na silang hindi nag-uusap…SAM, sobrang minahal si RHIAN at pinakamasayang bahagi ng kanyang buhay (ni: ROHN ROMULO)
- Published on June 24, 2026
- by Francis Paolo Torres
SA guesting ng dating Tutok to Win Partylist Representative na si Sam Verzosa sa “Fast Talk with Boy Abunda” inamin niya na ayaw na sana niyang pag-usapan ang paghihiwalay nila ex-girlfriend na si Rhian Ramos.
Hesitant pa raw siya sa interview dahil ilang buwan na ang lumipas at malamang ito na ang huling pagkakataon na magsasalita siya dahil masyado raw itong personal.Inamin ni Sam na sobra niyang minahal si Rhian at isa ito sa pinakamasayang panahon ng buhay niya.
“And I think this will be the last time to talk about it publicly because it’s very personal and I always choose respect and protect what we had, what we had is real. “Sobrang minahal ko si Rhian.
I think and I felt those were the happiest days of my life and that’s why I’m so grateful at naging part ako ng buhay niya and ako rin sa kanya,” pahayag ni Sam.
Pagpapatuloy pa ng dating kongresista, “I have no anger, I just wish her peace, all the happiness and genuine success. Anbg gusto ko lang maalala ay beautiful and happy memories naming together.”
Natanong ni Kuya Boy si Sam kung may kinalaman ba ang pagkatalo niyang bilang Mayor ng Maynila sa paghihiwalay nila ni Rhian.“Wala po kasi matagal nang natapos ang eleksyon when we separated. And also I don’t want to connect the politics or yung sa kasal or whatever to what happened because ‘yung election nandoon si Rhian during my hardest battle sa buhay ko and I’m so grateful for that I felt the genuine love, care.
“She fought for me, she believe in me, she believe in what I’m fighting for and when you have that person sa pinakamahirap na laban mo sa buhay, you never forget about that,” sey pa ni Sam.
Inamin din ni Sam na ayaw na ayaw ni Rhian na magkaroon ng boyfriend na politiko at nagkahiwalay sila noong tumakbo siya sa congress at muling nagkabalikan pagkatapos nito.
Sa apat na taong relasyon nila ni Rhian, ano ang mga natutunan ni Sam?
“Not all relationships are perfect, love is not enough, there’s trust, loyalty, respect, peace of mind and that’s what matters.“Ang lagi kong sinasabi ito the greatest value in life, in love, in relationship, is not what you get but who become in the process. And I became a better person because of her.”
Natanong ni Kuya Boy kung nawala ba ang respeto sa kanilang relasyon.“Kaya siguro kami nag-break Tito Boy, may mga bagay na nawala and that’s what I’ve learned,” sagot pa niya.Inamin din ni Sam na matagal na silang hindi nag-uusap ni Rhian.Wala naman raw maayos na breakup kaya medyo magulo, kaya kinailangan nila ng time and space para mag-heal.“Mahihirapan ka mag-move on or mag-move forward tapos makikita mo yun tao di ba? Mami-miss mo.“So, I think it’s what’s best for both of us.”