PBBM, nangakong pananatilihin ang economic gains …Pinas natamo ang upper-middle income status
- Published on July 3, 2026
- by Francis Paolo Torres
NANGAKO si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., na pananatilihin ang economic gains ng bansa kasunod ng pagkakamit ng Pilipinas ng upper-middle income country status.
Nagpahayag ng kumpiyansa ang Pangulo na ang milestone o isang mahalagang yugto ng bansa ay magta-translate sa mas maraming oportunidad para sa mga Filipino.
Ang bagong klasipikasyon ay sumasalamin sa pagiging epektibo ng economic policies at mga reporma na ipinatupad sa nakalipas na apat na taon.
“For years, Filipinos have worked hard to build this country. Today, the world has taken notice. The Philippines has officially become an Upper-Middle-Income Country,” ang sinabi nii Pangulong Marcos sa isang kalatas, sabay sabing nananatili ang bansa sa isang lower-middle-income economy simula 1987.
Tinuran ni Pangulong Marcos na ang bagong katayuan ng bansa ay nagpapatunay sa pagsisikap ng gobyerno na panatilihing malakas ang ekonomiya sa kabila ng global uncertainties.
“Our steady economic growth, broadly stable currency and long-term reforms have strengthened our economy even amid global uncertainties. It validates the progress we have made and the resilience of the Filipino people,” ang winika pa rin ni Pangulong Marcos.
Winika pa ng Pangulo na ang bagong income classification ay inaasahan na magpapalakas sa investor confidence, makapanghihikayat ng mas maraming pamumuhunan at makalilikha ng better-quality jobs para sa mga Filipino. (DARIS JOSE)