Binasag na ang katahimikan sa isyu ng mana…LOTLOT, walang hinahabol dahil sapat na napalaki ng isang Superstar (ni: ROHN ROMULO)
- Published on June 24, 2026
- by Francis Paolo Torres
TULUYAN nang binasag ni Lotlot de Leon ang kanyang katahimikan Lotlot de Leon tungkol sa usapin ng mana matapos ang pagpanaw ng kanilang ina na Superstar at National Artist na si Nora Aunor.
Naganap ito sa presscon ng pelikulangaan ’40 Days’ na kung s ipinagdiinan muli na hindi siya naghahabol sa anumang mana mula kay Nora.
Kaya naman daw niyang magtrabaho at magpakahirap dahil mula pagkabata ay natuto na siyang magsikap para sa sarili at hindi naging pabigat sa kanyang mga magulang.
Rebelasyon pa ni Lotlot na matapos mailibing si Nora ay kinausap niya si Ian de Leon tungkol sa ilang ari-arian na naiwan ng kanilang ina.
“Tinanong ko siya, ‘Ian are you willing to share the properties of Mommy with us?’ Tinanong ko ‘yan without Matet, Kiko and Kenneth knowing. Why? Kasi naawa ako du’n sa tatlo eh, hindi para sa akin kundi para doon sa tatlo kong kapatid dahil wala namang iniwan si Mommy sa kanila,” kuwento ni Lotlot.
Dagdag pa niya, “Tanggap naman namin na kung anong mayroon si Mommy, kay Ian ‘yan. Walang nanghihingi niyan, walang nang-aagaw at sinabi ko kay Ian, ‘If you’re willing to share the properties of Mommy with us, maraming salamat, kung hindi okay lang, walang problema.’ I just wanted to know if he would for the sake of the three.”
Pahayag pa ni Lotlot tungkol sa pamanang naiwan ni Nora.
“Sa kanya na lahat, wala akong hinihingi, wala kaming hinihingi. Wala akong inaagaw, walang inaagaw si Matet!,” say ng aktres.
“He can have it all, kasi para sa akin, sapat na natawag kong mommy si Nora Aunor.
“Sapat na napalaki ako ng isang Superstar. Sapat na nabigyan ako ng pangalan ni mommy. He can have it all!”
At hindi na niyang napigilan na sabihing, “Galit ako, galit na galit ako. Buong buhay ko sinakripisyo ko para sa mga kapatid ko, tapos sisirain mo lang!”
Inamin din ni Lotlot na isang taon na silang hindi nagkakausap ni Ian.
At dahil nga sa isyu ng man, maraming masasakit na salita at paratang ang natanggap niya at sa kanyang mga kapatid, tulad ng mga “walang utang na loob”, “suwail na anak”, at “walang kuwentang tao.”
Pero mas pinili niyang manahimik bilang respeto sa kanyang ina at sa kanilang amang si Christopher de Leon.