• June 24, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kasunod ng stabbing at shooting incident sa eskuwelahan…PNP iniutos mas mahigpit na seguridad sa mga paaralan

KASUNOD ng stabbing, shooting incident iniutos ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. sa lahat ng police commanders sa bansa na higpitan ang mga hakbang sa seguridad sa paligid ng mga paaralan kasunod ng magkahiwalay na insidente ng pananaksak at pamamaril sa mga campus sa Cavite at Tacloban City.

Sa flag-raising ce­remony ng PNP sa Camp Crame nitong Lunes, sinabi ni Nartatez na dapat paigtingin ng mga pulis ang kanilang presensya sa paligid ng mga paaralan, dagdagan ang mga preventive patrol, magsagawa ng masusing security assessments, at palakasin ang koordinasyon sa mga school authorities, lokal na pamahalaan, mga magulang, at iba pang stakeholder sa komunidad.

Gayunman, nakipag-ugnayan na ang PNP sa Department of Education (DepEd) at sa mga local government units para sa mga kagamitang pangseguridad gaya ng X-ray machines, metal detectors, at karagdagang security personnel at mabantayan ang mga pumapasok sa mga paaralan.

Isa rin sa mga nakikitang solusyon ay ang pagtatalaga ng mga barangay tanod upang tumulong sa pagbabantay at pag-screen sa mga pumapasok sa school pre­mises, partikular upang maiwasan ang pagpasok ng mga armas at iba pang mapanganib na bagay. ( DARIS JOSE)