Single at wala talagang karelasyon…BIANCA, itanggi na third party sa hiwalayang CELESTE at millionaire boyfriend (ni: REY PINEDA)
- Published on June 16, 2026
- by Francis Paolo Torres
INVOLVED ngayon ang pangalan ni Miss Universe-Philippines 2009 Bianca Manalo sa sinasabing hiwalayan ng magkarelasyong Celeste Cortesi, dating Miss Universe-Philippines 2022 at ng boyfriend nitong tech millionaire, British national, at philanthropist na si Jonathan Michael Sterling.
Ang masaklap pa nito, kasalukuyang buntis si Celeste at si Jonathan ang sinasabing ama nito.
Maagap naman ang Sparkle GMA Artist Center sa paglalabas ng pahayag at tahasan nitong dineny ang nasabing akusasyon.
Ayon sa pamunuan ng Sparkle…
“On behalf of our Sparkle Artist, Bianca Manalo, we woud like to clarify that there is no truth to rumors circulating about her involvement with another couple.
“She is single and not in any relationship. we hope this settles the matter and that we all continue to spread and click kindness instead”.
Ni-repost ito ni Bianca sa kanyang social media account.
Kung ating matatandaan, si Senator Sherwin Gatchalian ang huling napabalitang nakarelasyon ni Bianca.
Pero nung January 2025, nagkaroon ng intriga ang kanilang relasyon, nang mapansin ng mga netizen na in-follow na nila ang isa’t isa sa knai-kanilang social media account.
Nag-post nuon ang senador ng kanyang holiday photos pero wala na si Bianca sa mga ito.
Samantalang nung 2024, nasa Japan naman si Bianca para doon mag-spend ng kanyang holiday season.
Tinuldukan ni Senator Sherwin ang mga spekulasyon ng sa isang interview nuong January 21, 2026 sinabi nitong “non-existent” ang kanyang lovelife.
Ang tanong… Hindi ba’t nasangkot din sa isang kontrobersya itong si Bianca nung kasalukuyan nitong ginagawa ang pelikulang “Magandang Dilag” sa kanyang co-star na si Rob Gomez?
Naglitawan ang mga screenshots ng usapan nina Bianca at Rob sa halos lahat ng social media platform, na nagpapatunay na nagkaroon sila ng ugnayan.
Agad naman itong pinabulaanan ni Bianca. Tinawag niya itong “false rumors” at unfounded accusations”.
Hindi kaya ito ang naging dahilan para hiwalayan ni Senator Sherwin itong si Bianca?
Marami tuloy ang nagtatanong at humuhulang may katotohanan ang mga paratang dito.
May mga nagsasabing may pattern na raw kasi.
Walang basehan ang mga paratang kay Bianca.
Napakaganda naman nito, para lang maging isang third wheel.
Well, prangkahan lang tayo, kayo ba naniniwalang si Bianca ang posibleng dahilan ng hiwalayang Celeste at Jonathan?
***
UMAMIN si Pasig City Mayor Vico Sotto na inokupa ng pulitika ang kanyang kabataan.
Nagsimula sa pulitika ang binata nuong siya ay twenty nine years old. Ngayong thirty six na siya at last term na ng kanyang serbisyo, wala pang plano si Mayor Vico tungkol dito.
Sa isang panayam kay Mayor Vico ni Bernadette Sembrano sa kanyang social media account, inilahad nito ang kanyang saloobin.
“I gave my entire thirties, last term ko ito kaya I’m excited.
“Imagine I started at twenty nine years old, so, ngayon ano na ‘ko thirty six.
“I’ll end my term at thirty eight. I gave my best years naman.
“Halos wala na akong ibang nagawa. I mean in my personal life, ha! Halos wala ng iba. Kasi you need to focus,e. It’s a full time job.
“Siyempre, may gusto rin akong gawin na iba, di ba pero di puwede, e. Kailangan focused, kasi the people trusted you,e.
“Ito yung naging open door para sa akin. Ako naman, pumasok lang sa open door. and when you’re there, you want the best of every moment and every opportunity.
“Hindi ko naman gagawin na half-hearted ang isang bagay. Kasi I was given a chance to do this job.
“I want to do this to the best of my ability.” banggit nito.
Sa ngayon, wala pang balak si Mayor Vico kung ano ang kanyang susunod na hakbang pagkatapos ng kanyang termino.