Sobrang happy nang makasama si Aga… XIA, gustongmakagawa muli nang magandang MMFF project (ni: NONIE NICASIO)
- Published on June 16, 2026
- by Francis Paolo Torres
IPINAHAYAG ng teen actress na si Xia Vigor na wish niyang makagawa muli ng magandang MMFF project na tulad ng “Miracle in Cell No. 7” na tinampukan nila ni Aga Muhlach at ng iba pang magagaling na actors.
Aniya, “Yes po, kasi malaking opportunity po ang mga ganoong projects, especially when I work with veteran actors po. Kasi, marami po akong natututunan sa kanila and nadadala ko po talaga ang mga itinuturo nila sa akin throughout my whole acting career.
“So, sana po talaga in the future I can have another big project like iyong Miracle in Cell No. 7 at sa MMFF din po sana ito,” masayang wika niya.
Ayon pa sa half Filipino-half British na bagets, ang MMFF entry nilang ito ni Aga ang itinuturing niyang biggest break sa showbiz.
Esplika ni Xia, “Ito pong movie ang masasabi kong biggest role ko at most challenging po sa acting at ang mga kasama ko po roon ay talagang mga veteran actors po.
“So, its such an honor po talaga and that’s really the most memorable project for me.”
Na-miss na ba niyang muling makatrabaho si Aga?
Tugon ng tisay na teen actress, “Siyempre po, naging tatay ko talaga siya sa set… and sobrang sweet po ni tito Aga, parang naging tunay na tatay ko siya sa set. And I realized, parang ang fun niyang maging tatay. So, super fun working with him po talaga.”
Si Xia ay 16 years old na ngayon at isang magandang teenager na. May bagong seryeng aabangan sa dalagita, ngunit hindi pa niya alam ang mga detalye nito.
“Series po siya, sa Viva po, pero wala pa po akong alam pa kung sino ang mga kasama ko, wala pa po akong idea,” nakangiting pakli pa niya.
Ngayon ay pumasok na rin sa pagkanta si Xia. Ang debut single niya ay “Aminin” na sinundan ng “Mahal Kita, Bahala Na” mula sa Viva Records.
***
DIVINE, thankful na kasama sa health advocacy show
NAGPAPASALAMAT ang sexy actress na si Divine Villareal na kasali siya sa isang health advocacy show. Ito ang “Itanong Natin Kay Dok Larry,” tampok si Doctor Larry Sambrano na siyang gaganap bilang Doc Larry.
Bukod kina Doc Larry at Divine, kasama rin sa cast sina Tabs Sumulong at Enki Gray.
Ang show ay isang informative series na tatalakay sa usaping pangkalusugan na mapapanood sa Facebook, YouTube, at TikTok. Nagsimula na ito last June 13, 4pm.
Nagkuwento si Divine hinggil sa bago niyang show.
Aniya, “Isa po akong nurse rito na laging kasama po ni Doc Larry. Ito po ay directed by direk Roman Pererz Jr.
“Parang isa siyang short series po, na every episode po ay iba’t ibang kuwento ang mapapanood, pero same character po.”
Dagdag pa ni Divine, “Marami po tayong matututunan dito about sa mga health at sakit po. At the same time ay maaaliw at matatawa rin po kayo sa mga story.”
Thankful din ang aktres na mabigyan ng ganitong klase ng show.
Saludo rin ang magandang aktres kay Doc Larry sa adbokasiya nito hinggil sa health.
“Napakabuti pong doctor ni doc Larry, kasi ginawa niya po talaga itong show na ito para marami po tayong matutunan about sa ating health,” sambit pa niya.
Para makasunod sa mga updates sa naturang programa, maaaring mag-follow sa kanilang Facebook account sa link na: https://www.facebook.com/share/14ebuB2BXz6/