• July 21, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

ATENEO HEAD COACH TAP BALDWIN, IPATATAWAG NG DOLE

IPATATAWAG ni Labor Secretary Francis Tolentino si Ateneo Backetball Coach Tab Baldwin sa isyu ng pagkasawi ng dalawang basketball player ng Ateneo sa kalagitnaan ng training sa Dipaculao, Aurora.

Ayon kay Tolentino, ito ay para alamin kung may valid na alien employment permit si Baldwin sa ilalim ng labor code.

Layon din nitong suriin kung saklaw ng alien employment permit ang pagsasagawa ng mga team building activities.

Bahagi rin ito ng beripikasyon ng Kagawaran upang matiyak na sumusunod sa mga umiiral na batas-paggawa ang lahat ng dayuhang nagtatrabaho sa bansa.

Binigyang diin ni Tolentino na hindi pag-uusig ang hakbang ng DOLE kundi bahagi lamang ng pagpapatupad ng batas at pagtiyak ng pagsunod sa mga regulasyon hinggil sa pagtatrabaho ng mga dayuhan sa Pilipinas.

Maaari namang kanselahin ang alien employment permit ni Baldwin sakaling hindi ito sumipot at ire-refer din sa Bureau of Immigration sa posibleng deportation nito.

Kaugnay nito, nagpahayag din ng pakikiramay ang pamunuan ng DOLE sa pamilya na naiwan ng dalawang nasawing player na sina Rene Baterbonia at Divine Adili.

Inihayag ito ni Tolentino kasabay naman ng re-launching ng DOLE Press Corps Office kung saan kinilala ang mahalagang papel ng media sa pagpapalaganap ng tama at napapanahong impormasyon para sa mga manggagawang Pilipino. (Gene Adsuara)