• June 18, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nalaman ng netizens dahil sa pasasalamat ni Melai…KIM, nagpadala agad ng tulong sa GenSan na apektado ng lindol (ni: ROSE GARCIA) 

ISA sa talagang nagugustuhan namin kay Kim Chiu ay ang pagiging matulungin niya. 

Hindi pa lahat ng tulong na pinapaabot niya ay nasusulat o nababalita.

Pero isa si Kim sa maagap na magpadala lagi ng tulong, lalo na kapag may kalamidad sa Visaya at ngayon naman, sa Mindanao.

Kung hindi pa nag-post si Melai Cantiveros, hindi malalaman na nagpadala ng tulong niya si Kim sa GenSan (General Santos).

Sey ni Melai, “Migaaaa thank you kaayu grabe kaaaaaaaaaa sa Help mu sa Gensan,” 

Nag-viral naman agad ang post ni Melai at siyempre, umani ng papuri si Kim. 

Pinasalamatan din ni Melai sina Robi Domingo at Bianca Gonzalez na nagpaabot din ng tulong sa GenSan.

After ng napakalakas na lindol, isa si Melai sa nanawagan agad ng tulong. Nagpasalamat din ito na ligtas ang kanyang pamilya. 

Sa post ni Melai, “In Jesus Name tanggalin nyu na Lord ang mga aftershocks and sana Lord makabangon ang Mindanao labi na ang Gensan Lord sa paglindol na itu. Thank you sa lahat ng nangamusta sa pamilya ko, thank you Lord all safe sila and praying for all families na safe din sila. Panawagan na din po sa lahat ng gustu mag help need po ng more tents sa mga hospitals namin dun.”

Kung si Melai ay taga-GenSan, si Kim naman ay nag-aral din dati sa naturang lugar.

***

TULOY na tuloy na ang pilot telecast ng “Sigabo.” 

Ang bagong primetime series ni Coco Martin under his own production, CCM. Ang real-life partner niya na si Julia Montes ang kasama niya rito. 

From a reliable source, mukhang sa “Sigabo” magsisimulang makabalik muli ang ABS-CBN shows sa TV5. Kung tama ang balita namin, mismong si Coco raw ang direktang nakikipag-usap sa TV5 o kay Chairman Manny V. Pangilinan. 

Pero “Sigabo” pa lang ang makakatawid sa TV5, hindi pa ang ibang Kapamilya shows.  So far, wala pang kumpirmasyon, waiting din kami kung totoong sa June 16 daw ang announcement.

Ramdam namin si Coco na malamang, hindi rin solve kung ang isang malaking production ay sa All TV lang mapapanood o ipapalabas. Kahit pa mapapanood naman sa Netflix, iba pa rin ang free TV, lalo na sa mga masa. 

Kung totoo na nga na mapapanood din ito sa June 22 sa Kapatid network, may balita namang diumano’y ang seryeng “My Bespren Emman” ay posible raw ma-cut short.