• July 22, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Dahil priority ang mental at overall health…ALDEN, ginagamit na pang-destress ang pagbibisikleta (ni: ROMMEL GONZALES) 

ISA sa mga nanguna si Alden Richards sa selebrasyon  ng World Bicycle Day.

Sa report kamakailan ni Athena Imperial sa ’24 Oras Weekend’, inihayag ni Alden na ang pagbibisikleta ang paraan niya sa pag-destress at bilang priority na rin niya ng kanyang mental at overall health.

Pahayag ni Alden na solid na fitness enthusiast, “Since marami akong engagements everyday because of my work environment, isa yung cycling sa tini-treat ko na outlet ko for mental health and at the same time para refresher ba, para maka-eject lang ako dun sa work environment and at the same time makabalik ako na refreshed!”

Masaya ang Asia’s Multimedia Star na dumarami pa ang nagiging miyembro ng cycling community sa Pilipinas; around 800 cyclists ang nakiisa sa World Bicycle Day.

“Nakakatuwa lang na slowly palaki nang palaki yung cycling community dito sa Pilipinas.”Paalala naman ng Sparkle GMA Artist Center male Superstar, “Be mindful of the road. Kailangan laging may helmet. Make sure that ‘yung bike niyo is in good condition before riding out. And safety first!”

Abala rin si Alden sa upcoming medical drama series na ‘Code Gray’, kung saan gaganap siya bilang si Dr. Grayson Lozano na isang surgeon.

May isa pang project si Alden, ang ‘Love, Siargao project na kung saan makakasama naman niya si Nadine Lustre.