• June 10, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NUSTAR Online, inilunsad ang public online voting para sakauna-unahang NUSTAR Online Binibini (ROHN ROMULO)

BILANG bahagi ng patuloy na ugnayan sa Binibining Pilipinas, mas inilapit pa ng NUSTAR Online ang mga tagahanga sa kompetisyon sa pamamagitan ng kapana-panabik na online campaign na makatutulong upang matukoy ang kauna-unahang NUSTAR Online Binibini. 

Idinisenyo upang ipagdiwang ang kagandahan, kumpyansa at pagpapakatotoo,  kinikilala ng espesyal na titulo na ito ang kandidata ng Binibining Pilipinas na siyang may pinakamahusay na kumatawan sa mga pagpapahalagang itinataguyod ng NUSTAR Online at matibay na kinatawan sa online na komunidad. 

Bago ang panahon ng pagboto, ang eksklusibong NUSTAR Online promotional video ay naipalabas na sa mga opisyal na Facebook at Instagram page kung saan ang mga kandidata ay ipinakikilala ang kanilang mga sarili at ibinabahagi ang kanilang pananaw sa mga pangunahing haligi ng pageant – Katawan, Kagandahan at Personalidad. Bilang bahagi ng kaparehong produksyon, gumawa ng patalastas pang telebisyon o TVC para sa ugnayan ng BBP x NUSTAR Online na ipapalabas sa susunod na mga araw. 

Ang promotional video at TVC ay hindi bahagi ng opisyal na botohan, parehong itong nagsisilbi bilang mahahalagang touchpoints na nagbibigay diin sa indibwalidad ng mga kandidata at nagpapakita ng matibay na ugnayan sa pagitan ng Binibining Pilipinas at NUSTAR Online. 

Ang magiging basehan ng opisyal na botohan ay ang headshot ng mga kandidata at kanilang larawan na naka-swimsuit, kung saan itatampok ang mga ito sa mga NUSTAR Online platform. 

Ang botohan para sa headshot category ay magaganap sa NUSTAR Online FB at IG pages simula Hunyo 5 hanggang Hulyo 17, 2026 samantala ang botohan para sa swimsuit category ay magaganap sa NUSTAR Online website simula Hunyo 15 hanggang Hulyo 17, 2026.  Ang mga tagasuporta ay hinihikayat na sumali at magpakita ng suporta para sa kanilang paboritong Binibini sa buong panahon ng botohan. Para sa kumpletong mechanics ng botohan, bisitahin ang NUSTAR Online FB page. 

Ang kandidata na makakakuha ng pinakamataas sa overall online voting engagement ay makakamit ang 50% sa final score habang ang natitirang 50% ay tutukuyin ng NUSTAR Online 

Management base sa pagganap ng kandidata at partisipasyon nito sa naturang ugnayan o partnership. 

Ang mananalo sa titulo ng inaugural NUSTAR Online Binibini ay tiyak na makakapasok sa Top 12 Finalists at iaanunsyo ito sa Grand Coronation Night ng Binibining Pilipinas sa Hulyo 18, 2026. 

Higit pa sa inaasam-asam na titulo, asahan na ang kauna-unahang NUSTAR Online Binibini ay magkakaroon ng mga kapanapanabik na oportunidad, eksklusibong pakikipagtulungan  at mga kapakipakinabang na karanasan sa NUSTAR Online, na higit pang magpapatibay ng kanyang paglalakbay hindi lamang sa pageant stage. 

Para sa mas eksklusibong nilalaman, events at premium lifestyle experiences, sundan ang NUSTAR Online sa @nustaronline. (