Agarang tulong at aksyon sa mga residente na napinsala ng malakas na lindol, panawagan ni Speaker Dy III
- Published on June 9, 2026
- by Francis Paolo Torres
NANAWAGAN si Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III ng agarang tulong at aksyon sa mga residente na napinsala ng malakas na lindol na yumanig sa southern Mindanao nitong Lunes.
Partikular na tinukoy ni Dy ang mga residente ng General Santos City at mga karatig lalawigan ng Davao kung saan tumataas ang bilang ng mga nasawi dala ng magnitude 7.8 earthquake na tumama sa karagatan di kalayuan sa Sarangani province.
Karamihan sa mga nasugatan at nasawi ay mula sa mga gumuhong gusali. Nagbabala si Dy na maari pang tumaas ang bilang mula sa mga nakatira malapit sa dagat mga lugar ng Sarangani, Davao Occidental, Tawi-Tawi, Sulu, Basilan, Zamboanga del Sur, Zamboanga Sibugay, Sultan Kudarat at South Cotabato sa banta ng tsunami.
“Our foremost concern at this time is the safety and well-being of our fellow Filipinos in Mindanao. I urge everyone, especially those in coastal and low-lying communities, to heed the warnings and instructions of authorities. Please evacuate immediately when directed and prioritize your safety and that of your families,” pahayag ni Dy.
Nanawagan si Dy sa mga local government units (LGUs), disaster response agencies, uniformed personnel, volunteers at community leaders na magtulungan sa ikaayos ng evacuation ng mga naapektuhang residente at mabilisang delivery ng relief services.
“Sa ganitong mga pagkakataon, mahalaga ang mabilis na koordinasyon at pagtutulungan. Nananawagan tayo sa lahat ng LGUs, emergency responders, volunteers at mga lider ng komunidad na tiyaking ligtas ang ating mga kababayan at maayos ang pagresponde sa anumang pangangailangan sa mga apektadong lugar,” sinabi ni Dy.
Nagbigay suporta si Dy sa ginawang agarang aksyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na atasan ang buong pwersa ng gobyerno na tumugon sa sitwasyon.
“We are grateful that President Marcos has already directed all relevant government agencies to act immediately. This whole-of-government approach is crucial in ensuring that rescue, relief and response operations are carried out quickly and effectively.” sinabi ni Dy.
Sa parte naman ng Kamara, sinabi ni Dy at may darating na tulong. “The House of Representatives stands in solidarity with our brothers and sisters in Mindanao. We are prepared to support all necessary efforts to help affected communities recover and rebuild. Ang mahalaga ngayon ay ang kaligtasan ng bawat Pilipino at ang agarang pagtugon sa kanilang pangangailangan.” (Vina de Guzman)