• June 9, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PB DepEd: 26 milyong estudyante, balik-eskwela ngayon

NASA 26 milyong mag-aaral ang inaasahang magbabalik-eskwela ngayong Lunes, Hunyo 8, para sa School Year 2026-2027.

Ayon kay Department of Education (DepEd) Assistant Secretary Jocelyn Andaya, hanggang noong Biyernes ng nakaraang linggo, halos 26 milyong mag-aaral na ang nagpa-enroll para sa nasabing taong panuruan.

Aniya pa, inaasahan ng DepEd na aabot ng hanggang 26.4 milyon ang magiging enrollees para sa SY 2026-2027, na kahalintulad noong nakaraang taon.

Ipinaliwanag ni Andaya na may ilang estudyante, partikular na ang mga nasa senior high school (SHS), ang hindi kaagad makapagpatala sa klase dahil sa pagtatrabaho o ‘di kaya ay pag-uwi sa mga lalawigan.

Muli rin namang tiniyak ni Andaya na tuloy ang pagbubukas ng klase ngayong Lunes sa kabila ng ulat na posibleng magkaroon ng class suspension, na tinawag pa niyang ‘fake news.’

Siniguro rin niya na handang-handa na ang DepEd para tanggapin ang mga mag-aaral sa klase.

“Fake news ‘yan (class suspension). Sabi nga ni DepEd Secretary Sonny Angara, “Handang-handa na tayo sa DepEd para i-welcome ang mga bata at sabihin sa kanila na ang kanilang eskwelahan ay handa na, ito ay malinis, ito ay maayos, at ligtas sila rito,” pahayag Andaya said. “Tuloy na tuloy na sa June ang pasukan.” ( DARIS JOSE)