Kinikilala at ginagalang ng Malakanyang…Win Gatchalian hinirang bilang bagong Senate President Pro-Tempore
- Published on June 4, 2026
- by Francis Paolo Torres
KINIKILALA at nirerespeto ng Malakanyang ang desisyon ng bagong mayorya at ang liderato ni acting Senate President Sherwin.
Sa pagharap ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa mga miyembro ng Malacanang Press Corps (MPC), sinabi nito na ang nangyari sa Senado ngayong hapon ng Miyerkules, Hunyo 3, ay naaayon sa batas at rule of law.
“May mahalagang mensahe po ang Palasyo. Ang nangyari sa Senado ngayong hapon ay naaayon sa batas at rule of law. Kinikilala at nirerespeto ng Palasyo ang desisyon ng bagong mayorya at ang liderato ni acting Senate President Sherwin Gatchalian,” ayon kay Castro.
Nauna rito, nahalal si Senador Win Gatchalian bilang Senate President Pro Tempore, kapalit ni Senadora Loren Legarda.
Nakumpleto ang quorum ngayong sa Senado kahit na wala ang mga miyembro ng Senate Minority bloc.
Maliban kasi sa 11 ng ‘Solid 11 Bloc’, present din ngayong hapon si Senador Chiz Escudero.
Si Senator Migz Zubiri, inilagay sa Committee on Rules.
Sa kabilang dako, ibinalik naman si Rey Bantug bilang Senate Secretary; kapalit ng itinalaga ni Senate President Alan Peter Cayetano na si Jose Luis Montales, ang dati niyang Administrator sa Taguig habang si PBGen. Alfredo Sotto Corpus naman ang inihalal na bagong Senate Sgt.-at-arms.
Samantala, matapos maabot ang quorum sa Senado ngayong araw kinuwestiyon ni Senate President Alan Peter Cayetano kung “binasura” na ba ang Saligang Batas.
Ang pahayag ay ginawa niya sa isang Facebook live kasunod ng hindi pagdalo ng ilang opisyal. (DARIS JOSE)