Itatampok ng Puregold ang ugnayan ng mga Pinoy sa musika:SB19, Ben&Ben, Alamat at Flow G, ilan lang sa aabangan sa ‘OPM Con Generations’ (ni: ROHN ROMULO)
- Published on June 1, 2026
- by Francis Paolo Torres
SA alinmang henerasyon, wika ng damdamin, alaala, at identidad ng mga Pilipino ang Original Pinoy Music (OPM).
Sa Hulyo 11, itatampok muli ng Puregold ang malalim na ugnayan ng mga Pilipino at ng OPM sa Araneta Coliseum, sa pamamagitan ng pinakamalaki at pinakamaingay na konsiyerto ng taon, na nakatakdang ipagmalaki ng lahat.
Higit pa sa isang engrandeng pagtatanghal ng musika, naging pangunahing retailtainment platform na ng Puregold ang OPM Con, na nagpapatibay sa gampanin nito bilang nangunguna sa pagsulong ng pagsasanib ng retail, entertainment, at kulturang pang-fandom ng mga Pilipino.
Sa paglipas ng mga taon, natagpuan ng mga Pilipino ang kanilang tinig sa musika—sa mga kantang kanilang kinalakihan, mga linyang ibinabahagi online, mga awiting sinasabayan nang buong sigla sa mga konsiyerto, at mga fandom na nagiging parang pamilya dahil sa pagmamahal nila sa kanilang mga paboritong talento.
Matapos ang dalawang magkasunod na taon ng sold-out na mga konsiyerto at mga viral na sandali ng mga tagahanga—kasabay ng pag-aabang ng buong bansa—nagbabalik ang isa sa pinakahihintay na music events ng taon.
Sa “OPM Con Generations,” pagsasama-samahin nito ang ilan sa pinakamalalaking pangalan sa industriya para sa isang gabi ng pagdiriwang ng patuloy na pag-usbong ng musikang Pilipino at mga komunidad na nabuo dahil dito.
Kabilang sa mga tampok na artista ang kinikilalang folk-pop band na Ben&Ben at ang sumisikat na P-Pop group na Alamat, na hindi lamang magtatanghal kundi magsisilbi rin bilang dalawa sa mga pinakabagong brand ambassadors ng Puregold—isang makabuluhang kolaborasyon lalo para sa kanilang mga tapat na tagahanga na kilala bilang “Liwanag” at “Magiliw.”
Tinuturing na pinakakaabang-abang ang linya ng mga artistang tampok sa OPM Con ngayong taon: ang mga hari ng P-Pop, SB19, ang kilala sa larang ng rap na si Flow G, paborito rin sa rap na si Skusta Clee, minamahal na bandang SunKissed Lola, at ang mga pausbong na all-female P-Pop groups, G22, KAIA, at Xonara.
Mula sa mga kapana-panabik na pagtatanghal ng P-Pop, mga kilalang kanta ng rap, mga emosyonal na awitin at viral na nangunguna sa mga tsart, ipinapangako ng “OPM Con Generations” ang hindi malilimutang selebrasyong tatawid ng genre, henerasyon, at fandom.
Mula sa paglulunsad nito noong 2024, mabilis na naging pinakainaabangang live music event ang OPM Con, at pinag-aalab nito ang damdamin ng mga tagahanga. Dagdag pa rito ang mekanismo ng pagkuha ng tiket, kung saan nagiging bahagi din ng karanasan ng mga tagahanga ang pamimili sa groseri.
“Music has a unique way of bringing people together, no matter the generation or genre),” ani ni Ivy Hayagan-Piedad, Senior Marketing Manager ng Puregold Price Club Inc.
“Through OPM Con Generations, Puregold hopes to create a space where loyal Puregold customers and fans can proudly gather, interact, and celebrate Philippine artistry and culture.”
Opisyal na magsisimula ang ticket redemption para sa OPM Con Generations sa Hunyo 12 sa 12 piling Puregold stores sa buong bansa: Taytay, Rizal; Biñan, Laguna; Anabu-Imus, Cavite; Valenzuela; QI Central, Quezon City; Cubao, Quezon City; Fairview Terraces, Quezon City; Tayuman, Tondo, Maynila; Sucat, Parañaque; Kalentong, San Andres, Maynila; Sto. Domingo Cainta Junction, Rizal; at San Pedro, Laguna.
Maaaring makakuha ng libreng concert tickets ang mga miyembro ng Aling Puring at Perks sa pamamagitan ng kwalipikadong single-receipt grocery purchases sa mga kalahok na tindahan. Kabilang sa mga ticket tier ang VIP Standing para sa minimum purchase na P8,500, Patron para sa P7,000, Lower Box para sa P5,500, Upper Box para sa P4,000, General Admission para sa P2,500, at Obstructed Upper Box at Obstructed General Admission para sa P1,500.
Para naman sa mga customer mula sa mga probinsiya, maglulunsad din ang Puregold ng limitadong inisyatibong Regional Fan Pass upang mabigyan ng mas maraming pagkakataon ang mga tagahanga sa labas ng Metro Manila na makapagparehistro at makakuha ng mga tiket habang may suplay pa.
Para sa mga update, i-like ang @puregold.shopping sa Facebook, mag-subscribe sa Puregold Channel sa YouTube, at i-follow ang @puregold_ph sa Instagram at X, at @puregoldph sa Tiktok.