Para may kalaro ang panganay na si Hailee:KRIS, nagwi-wish na ma-bless pa ng another baby (ni: ROMMEL GONZALES)
- Published on June 1, 2026
- by Francis Paolo Torres
LAST May 17, nag-37 na si Kris Bernal at isa pala sa mga birthday wish niya ay magkaroon isa pang anak.
Sa guesting ni Kris sa recent episode ng “Fast Talk With Boy Abunda” kung saan kasama niya si Beauty Gonzales na co-star niya bilang bida sa GMA Afternoon Prime series na “House of Lies”, ay inihayag ni Kris na wish niyang magkaroon ng kalaro ang panganay niyang anak na si Hailee.
“Sana ma-bless pa ng another baby,” ang sagot ni Kris sa tanong kung ano ang kanyang birthday wish.
“Gusto ko pa ng maraming maraming baby.
“Kasi parang kapag isa lang, kapag nakikita kong walang kalaro yung anak ko, parang ang sarap siguro kapag marami siyang kalaro, marami siyang kausap, marami siyang napagshe-share-an ng mga gamit niya.”
Ang mister ni Kris ay ang businessman na si Perry Choi at ang anak nilang si Hailee ay ipinanganak noong 2023.
***
NAPANOOD na namin ang pelikulang “Backrooms”.
Sa umpisa, may maikling speech ang direktor ng pelikula na si Kane Parsons na batambata at napakaguwapo, kaya iisipin mo na ang panonoorin mo ay isang romcom film.
Pero noong sinimulan na ang pelikula, hanggang sa gitna, hanggang sa matapos, na-trauma kami, in a good viewing way.
Nakakatakot, nakawiwindang, nakakakilabot ang “Backrooms”!
Hindi kami matatakutin, sa scary movies man o sa tunay na buhay; ilang beses na kaming “pinaramdaman” ng mga supernatural entities.
Pero sa kabuuan ng panonood namin ng “Backrooms”, matinding takot at kilabot ang aming naramdaman.
Mula sa A24-CREAZION STUDIOS, magsisimula na ang hilakbot sa mga sinehan sa June 3, 2026.
“Backrooms is more than just a movie release for us — it’s an experience designed to pull audiences deeper into the world of the film even before they enter the cinema,” sabi iyan ni Anter RJ San Agustin, CEO ng CreaZion Studios.
Dagdag pa niya, “We wanted Filipino horror fans to feel the fear, the mystery, and the disorientation that made Backrooms a global phenomenon. This is something audiences have never experienced before.”
Si Kane rin nga pala ang creator ng mga original viral Backrooms videos.
Mga bida naman sa pelikula bilang si Clark ang Academy Award nominee Chiwetel Ejiofor at ang Cannes Best Actress winner Renate Reinsve na parehong mahusay sa pelikula.