• June 3, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pambansang Watawat ng Pilipinas, iwinagayway sa Imus para sa ika-128 Anibersaryo ng Labanan sa Alapan!

ISINAGAWA ang solemneng seremonya ng pagtataas ng watawat sa Dambana ng Pambansang Watawat, Alapan II-B, Lungsod ng Imus, araw, Mayo 28, 2026.

Ang taunang pagdiriwang na ito para sa National Flag Days ay pinangungunahan ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP) at ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas (AFP), katuwang ang Pamahalaang Lungsod ng Imus sa pangunguna nina Mayor Alex Advincula, Vice Mayor Homer Saquilayan, Congressman AJ Advincula, kasama mga Konsehal ng Panglungsod.

Mas naging makabuluhan at makasaysayan ang okasyon sa pagdalo ng mga matataas na pinuno ng pamahalaan sa pangunguna nina DILG Secretary Jonvic Remulla at Cavite Governor Abeng Remulla, kasama ang ating natatanging panauhin na si Senator JV Ejercito.

Ang pagtitipong ito ay nagsisilbing paalala ng kabayanihan ng mga Pilipino sa laban para sa kalayaan, kung saan unang iwinagayway ang pambansang sagisag matapos ang tagumpay sa Battle of Alapan noong 1898. Isang pagpupugay sa pagkakaisa ng ating mga pinuno at sa walang-humpay na pagmamahal sa bayan! ðŸ‡µðŸ‡­âœ¨

(Kim Bornella/ Boy Morales Sr.)