• June 3, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

4.7 milyong food packs nakalatag na sa maaapektuhan ng bagyong Domeng

HANDA na ang pamunuan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para ipamahagi ang nasa 4.7 milyong kahon ng family food packs (FFPs) sa mga pamilyang posibleng maaapektuhan ng bagong low-pressure area (LPA) na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) na inaasahang papasok ng bansa at maging bagyo na tatawaging Domeng.

Ayon kay DSWD Asst Secretary at spokesperson Irene Dumlao, na nakahanda na ang mga FFPs sa iba’t ibang warehouses sa bansa.

Bukod sa FFPs, nananatiling sapat ang stockpiles ng DSWD tulad ng iba pang food items na may halagang P589 milyong non-food relief items at iba pang non-food items na may halagang P153 milyon.

Mayroon din na nakastandby pang pondo na nasa P923 milyon na maaring magamit sa panahon ng panga­ngailangan.

“Sa kabuuan, aabot sa higit P5.3 billion ang standby funds at stockpiles ng DSWD na maaaring gamitin kung sakaling pumasok na at maminsala ang Bagyong Domeng sa ating bansa,” dagdag ni Dumlao.