• June 3, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nasa proseso pa siya ng self-improving:KYLINE, loveless pa rin at hindi nagmamadali na magkarelasyon (ni: ROMMEL GONZALES) 

SINGLE o loveless pa rin hanggang ngayon ang Sparkle GMA Artist Center actress na si Kyline Alcantara.

Sinabi ito ni Kyline sa interview sa kanya ni Nelson Canlas ng GMA News na ipinalabas sa “24 Oras”.

Ayon pa kay Kyline ay nasa proseso pa siya ng self-improving.

“I’m self-improving pa. Oo. Doon muna tayo.

“Huwag muna, Lord.

“When I love, I really love a person cause I feel like I have too much love to give. So, I just keep on giving and giving and giving, so ako na muna.

“Sa akin muna lahat.”

Ayon pa kay Kyline, the next time na magkakaroon siya ng lovelife ay hindi na niya masyadong isasapubliko.

Hindi rin daw siya nagmamadaling makahanap muli ng panibagong karelasyon. Nais niya raw na maranasan ang maraming bagay sa buhay habang bata pa siya.

“I’m still young. Actually, it’s a paradox nga whenever I say, I’m still young.

“I’m still young, so dapat I can experience a lot of things.

“I’m allowed to fail still, and I’m allowing myself to make more mistakes, but at the same time, I’m still young. I shouldn’t hurry,” saad pa ng dalaga.

Sa tanong kung sa susunod ay isa muling taga-showbiz o isang kilalang personalidad ang pipiliin niyang karelasyon…  

“With a public personality? Hindi ko po alam. “Honestly, hindi ko po alam. Depende kung sino ang ibibigay ng ating Panginoong Diyos.”

Inamin rin ng aktres na mahirap rin kapag alam ng publiko ang lahat-lahat tungkol sa kanyang lovelife o personal na buhay.

“Maybe that’s the reason why I’m self-improving cause parang masyado na pong out there. I know that we’re public figures, but we’re not public properties.

“Kung may mangyari man in the near future sa aking love life, siguro pang sa akin lang muna po iyon. Hindi ko na siya ipa-publicize that much,” sinabi pa ng aktres na mapapanood sa bagong Kapuso action series na ‘Taskforce Firewall’ bilang si Callie Sandoval.

Una niya itong action role.

“Ang ambag ko sa ‘Taskforce Firewall’ ay more on sa tech and siyempre may mga action scenes din kasi isa iyon sa mga hindi nila alam na kaya kong gawin.

“Na kaya ko ring bumaril, kaya ko ring mag-arnis.”

Kasama rin sa “Task Force Firewall” ng GMA sina Kylie Padilla, Miguel Tanfelix, Jak Roberto, at iba pa.