Alex Eala, maagang nalaglag sa 2026 French Open
- Published on May 28, 2026
- by Francis Paolo Torres
MAAGANG
natapos ang kampanya ni Alex Eala sa French Open matapos siyang talunin ni Iva Jovic sa straight sets, 6-4, 6-2, sa unang round ng torneo noong Martes.
Mabilis na nakalamang si Jovic sa unang set matapos umabante sa 5-1 lead. Gayunpaman, nakabawi si Eala nang manalo sa tatlong sunod na laro upang paliitin ang agwat. Ngunit agad ding nabawi ni Jovic ang momentum upang tuluyang makuha ang unang set.
Sa ikalawang set, si Eala ang unang nakapuntos bago nagwagi si Jovic sa sumunod na dalawang laro. Nakadagdag pa ng isang laro ang Filipina tennis star, ngunit tuluyan nang humiwalay si Jovic matapos dominahin ang natitirang bahagi ng laban.
Kasalukuyang world no. 17 si Jovic na 18-anyos pa lamang, habang si Eala, na kamakailan lamang nagdiwang ng kanyang ika-21 kaarawan, ay nasa world no. 37 ranking.