Barangay Chairwoman Echel Pacis, ang tunay na ina at nagmamahal sa Barangay 139, Zone-12, Dist.1, ng Caloocan
- Published on May 28, 2026
- by Francis Paolo Torres
HINDI alintana ng masipag na Kapitana Echel Pacis ang kanyang propesyon bilang dating teacher at nurse sa Manila Doctors Hospital bagkus pinili niya ang makapaglingkod sa kanilang barangay upang higit pang makatulong sa kanyang mga kabarangay.
Unang siyang pumasok sa pulitika bilang Kagawad hanggang sa naging Kapitana ng nasabing lugar. Sa kanyang panunungkulan, ang kalinisan ang siyang pangunahin niyang proyekto upang maiwasan Ang anumang sakit sa kanyang lugar nasasakupan. Alam niya bilang dating nurse ay mahirap ang magkasakit lalo na ang mga bata, kabataan pati na ang mga senior citizens kaya’t priority niya talaga ang health concerns ng kanyang constituents.
Sa proyektong Clean & Green naman ay gumawa sila ng ” HAPAG” na binubuo ng mga iba’t bang gulay na siyang bagong in-adopt at initiated by DILG na ang layon ay manatiling maging malusog ang lahat.
Pinailawan din ng butihing ina ng Brgy. 139, Zone-12, Dist.1, Caloocan ang buong paligid ng kanilang komunidad kasabay ang paglalagay ng mga CCTV sa bawat sulok ng lugar upang ma-monitor ang galawan sa loob at labas ng barangay.
Para matiyak pa ang kaligtasan ng kanyang mga kabarangay, nagpalagay si Kapitana Echel ng bakal na gate para hindi makapasok ang sinumang nag-iisip ng masama sa kanyang mga nasasakupan. Lingguhan din ang kanilang clean-up drive, de-clogging at feeding programs bilang bahagi ng kanilang serbisyo publiko.
At ngayong Back to School na muli ay naghanda si Kapitana Pacis ng libreng school supplies upang kahit paano ay makabawas sa gastusin ng mga magulang na nagpapa-aral.
Nagbibigay din si Kapitana ng scholarship program sa mga estudyanteng gustong mag-aral ngunit kapos sa buhay.
“Gagawin ko po ang lahat sa abot ng aking makakaya mapaglingkuran nang husto ang aming mga kabarangay. Nagpapasalamat din po ako sa mga kasama kong mga Kagawad sa kanilang pakikipagtulungan para sa kaayusan ng kapaligiran at siyempre, labis din po ako nagpapasalamat sa aming Mayor Along Malapitan sa kanyang mga tulong sa aming barangay. Asahan din po ng aking mga kapatid, kamag-anak at mga kaibigan na kapag ako ay palaring maupong muli ay lalo ko pong pag-iibayuhin ang aking pamamalakad para madama nila ang aking pagmamahal sa kanila,” pahayag ng inang tunay na nagmamalasakit sa barangay, Kapitana, Echel Pacis.
( Sonny Asignacion)