• June 3, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Feeding Program para sa mga batang Pinoy, palawigin

MARIING isinusulong ni Deputy Speaker Janette Loreto-Garin ang pagpapalawig ng feeding program ng gobyerno para sa mga batang Pinoy sa ginanap na pagtalakay ng Committee on Appropriations ng substitute bill para sa panukalang “Masustansyang Pagkain para sa Batang Pilipino Act,” kung saan nagsisilbi siyang bilang isa sa mga principal authors.

Sa ilalim ng panukala, isinusulong ang paglalaan sa nasa P10 bilyon para daycare children sa ilalim ng Department of Social Welfare and Development, na sumasakop sa 200 feeding days para sa tinatayang nasa 2 million beneficiaries.

Nasa P43.2B para sa Phase 1 implementation sa ilalim ng Department of Education, na sumasakop sa Kindergarten hanggang Grade 3, kung saan target nito ang tinatayang 8 million school children para sa 200 feeding days.

Sinabi ni Garin na ang panukalang alokasyon ay para sa direct cost ng masustansiyang pagkain, partikular na yaong nanggaling mula sa local farmers at mangingisda, masiguro na ang government funds ay direktang mapapakinabangan ng mga batang Pilipino children at local food producers.

Iginiit naman nito na walang bahagi ng panukalang pondo ay dapat gamitin sa maintenance and other operating expenses (MOOE) tulad ng meetings, orientations o kitchen tools.

“Every peso should go to feeding children and supporting our farmers and local producers. This is about nutrition, education, and livelihood working together,” ani Garin.

Ayon sa mambabatas, ang sapat na nutrisyon ay direktang nakakaapekto sa kalusugan, cognitive development, mas maayos na school participation, at higher learning outcomes sa mga bata.

“This is an investment in our children and in the country’s future. Nutrition is directly connected to learning, productivity, and long-term national development. If we want a stronger Philippines, we must start by ensuring that our children are healthy and well-nourished,” dagdag ni Garin.

(Vina de Guzman)