• May 27, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

JOSHUA, hindi comfortable sa paghuhubad at sa love scenes  (ni: ROHN ROMULO) 

PATULOY na pinag-uusapan sa social media ang intimate scenes nina Joshua Garcia at Ivana Alawi sa Kapamilya serye na “Love Is Never Gone.”

Pero inamin ni Joshua na sobrang awkward siya sa paghuhubad at paggawa ng sex scene sa kanyang screen partner.

Kuwento  ng aktor, “Actually hindi ako comfortable at all doing love scenes, like showing my body in front of the camera. Pero kasi du’n nangagaling yung pagiging actor mo. 

“Uncomfortable talaga kasi, showing your body? Ang hirap nu’n ha! Every time na may love scene ako kinakausap ko yung mga cameraman namin. Sasabihin ko sa kanila, ‘Uy, iwasan mo yung tiyan ko ha?’” 

Dagdag tsika pa niya, “Ang gagawin niya naman kahit naririnig ko si Direk (Manny Palo), ‘Ibaba mo pa yung camera, yung angle mo, ibaba pa.’ 

“Yung cameraman matibay siya hindi niya talaga binababa. So, kapag ganu’ng scene, dinadaan ko muna sa mga cameramen.”

Sa intimate scene nila ni Ivana sa “Love Is Never Gone,” isinapuso lang daw niya ang character niya bilang si Theo.

“Ano’ng iniisip ko kung ginagawa ko yung scene? Na ako si Theo. Kasi every love scene naman may pinanggagalingan yan e, and yung scene na ginawa namin bago mag-love scene, mahaba siya talaga although maikli lang yung ipinakita,” kiwento pa ni Joshua.

Tungkol naman chemistry nila ni Ivana na kitang-kita sa serye, “I think malaking factor talaga sa akin na open yung both actors para mag-work yung eksena and yun din yung nakita ko kay Ivana nu’ng nagsimula kami. 

“Never kasi kami nagkaroon ng meeting bago kami magsimula, nu’ng nag-meet kami diretsong salang agad sa eksena.”

“Nu’ng umpisa pa lang kita ko na rin talaga sa kanya na sobrang open niya sa mga eksena. Talagang kita ko yung focus niya sa ginagawa niya,” pahayag pa niya.