• May 27, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DENNIS at RURU, muling magsasanib-puwersa sa ‘Hari ng Tondo’

ISANG malaking tagumpay ang “Green Bones” na pelikulang pinagsamahan nina Dennis Trillo at Ruru Madrid noong 2024.

Hindi lamang sa box-office ito naging matagumpay kundi maging sa paghakot ng sari-saring acting and technical awards sa iba-ibang award-giving bodies.

At ngayon, muling magsasanib-puwersa sina Dennis at Ruru sa upcoming GMA Prime series na “Hari ng Tondo.”

Sa interview ni Aubrey Carampel sa GTV News Balitanghali kamakailan, inihayag nina Dennis at Ruru ang excitement nila sa ginanap na story conference para sa kanilang reunion project.

Ayon kay Dennis…

“Minsan lang kami magkatrabaho ni Ruru pero pagka-binibigyan kami ng pagkakataon magkatrabaho, talagang siguradong maganda at isang malaking proyekto talaga!”

Sinabi naman ni Ruru na, “Finally ngayon sa isang teleserye, mas mahaba, mas maraming oras na magkakasama kami ni Kuya Dennis so very excited!”

Bilang preparasyon para sa project, nagkaroon si Ruru ng immersion para mas maunawaan niya at magampanan nang mabuti ang kanyang karakter na lumaki at nakatira sa Tondo.

“Nung natutunan ko pong kilalanin sila at aralin po paano ba ang pamumuhay sa Tondo, na-realize ko na ganoon lang pala talaga sila kalalim na tao,” saad ni Ruru.

Sinabi naman ni Dennis na,“Feeling ko dito mas makaka-relate yung mga makakanood sa mga character namin, hindi lang sa akin, pati sa characters nina Ruru at sa mga ibang artista dito.”

Itatampok sa “Hari NG Tondo” ang Pinoy Martial Arts na “Panantukan.”

“Yung Panantukan is dirty boxing so sabi ko parang swak na swak ito sa Tondo,” pagbabahagi ni Ruru.

 “Ever since then talagang todo ensayo. “Hanggang kahit nasa Spain ako, takbo ako nang takbo!”

Bonus pa sa upcoming serye na mapapanood rin dito ang original Tondo Boy, ang kasalukuyang Mayor ng Maynila na si “Yorme” Isko Moreno!

Masaya raw si Yorme Isko na maipapakita sa serye ang kuwento ng lugar na kanyang kinalakihan at minamahal.

“Excited ako na ma-share naman yung maraming mabubuti at magagandang nangyari sa buhay ng isang tao lalo na mga batang pinanganak sa Tondo,” pahayag ni Yorme.

Balik-Kapuso naman dito si Ryza Cenon.

“First time ko siya makatrabaho, si Ruru and si Kuya Dennis naman nakatrabaho na siya before, bata pa ako.

“Tapos saka yung story din and sobrang isa sa mga favorite kong gawin ay ‘yung action,” sinabi ni Ryza.

Sa direksyon ni Enzo Williams, nasa “Hari ng Tondo” rin sina Rocco Nacino, Ysabel Ortega, Elle Villanueva, Arra San Agustin, Victor Neri, Nonie Buencamino at Heath Jornales.