Higit P7.6 milyong ayuda ipinamahagi sa mga tsuper – DSWD
- Published on May 25, 2026
- by Francis Paolo Torres
UMAABOT na sa 1,529,740 drivers ang tumanggap na ng cash assistance mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa buong bansa hanggang nitong May 21, 2025.
Ito ayon kay Director Edwin Morata ng Crisis Intervention Division ng DSWD ay bahagi ng pagpapatuloy ng ahensiya sa pamamahagi ng cash aid sa mga driver nationwide upang makatulong na maibsan ang epektong dulot ng mataas na halaga ng petrolyo.
Aniya inaasahang sa May 30 ngayong taon ay matapos na nila ang pamamahagi ng financial assistance sa mga driver nationwide.
Nasa 19,000 aniya ang tinatapos nilang bigyan ng ayuda sa Metro Manila mula sa maliliit na kompanya tulad ng mga delivery drivers.
Ang naturang bilang aniya ay kabilang ang drivers nationwide na tinatapos na nilang bigyan ng cash aid bago sumapit ang katapusan ng Mayo.
Umaabot na aniya sa higit P7.6 milyon ang pondong naipamahagi ng DSWD sa mga drivers nationwide.
Kung sakali aniyang kulangin ang pondo, mayroon naman aniyang Quick Respond Fund na maaaring magamit dito ng DSWD para sa pagtugon sa mga mamamayan na nangangailangan ng tulong sa panahon ng krisis.