• June 13, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, idineklara ang May 27 bilang regular holiday para sa Eid’l Adha

IDINEKLARA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang Mayo 27, 2026, araw ng Miyerkules bilang regular holiday sa buong bansa para sa paggunita sa Eid’l Adha o Feast of Sacrifice.

Ang deklarasyon ay ginawa sa pamamagitan ng Proclamation No. 1264 na nilagdaan ni Pangulong Marcos, pinapayagan ang mga Muslim Filipino sa buong bansa na ipagdiwang ang isa sa “most important religious occasions’ ng Islam.

Ayon sa proklamasyon, ang Eid’l Adha ay babagsak sa Mayo 27, ayon sa advisory mula sa Bangsamoro Darul-Ifta.

Ang proklamasyon ay kasunod ng rekumendasyon ng National Commission on Muslim Filipinos matapos ang pagsisimula ng 1447 Hijrah Islamic Lunar Calendar.

Nauna nang idineklara sa Republic Act No. 9849 na, “the 10th day of Zhul Hijja, the 12th month of the Islamic Calendar, a national holiday in observance of Eid’l Adha, with a movable date.”

“Following the 1447 Hijrah Islamic Lunar Calendar, the National Commission on Muslim Filipinos has recommended that 27 May 2026, Wednesday, be declared a national holiday,” saad sa proklamasyon. 

( Daris Jose)