JOHN, inamin na siya ang sumira sa loveteam nila ni HEART
- Published on May 19, 2026
- by Francis Paolo Torres
NATULOY na rin ang muling pagkikita nina Heart Evagelista at John Prats.
Nangyari ito nang mag-guest ang aktor at direktor sa “Heart World Season 2” ng GMA 7 na puwedeng balik-balikan sa YouTube channel.
Sa pagsisimula ng episode habang inaayusan si Heart, diin niya na hindi raw mako-consider na naging magka-relasyon sila ni John. Hanggang MU (mutual understanding) lang talaga sila. Na taliwas sa rebelasyon ni John.
Pag-amin ni Heart, “siya yun first na iniyakan ko, as in talaga in my mind, I really thought I loved him dahil crush ko talaga siya eh.”
Kaya naman nang makita sila sa venue ng interview, hindi naitago ni Heart ang pagkakilig kay John, na excited talaga niyang makita.
Bungad ni John, “hi mam, how are you?” Sabay yakap at beso kay Heart.
Natawa na lang ang aktor nang tanungin tungkol sa outfit ni Heart at sinabing, “very you!”
Hindi naman napigilan ng fashion icon na sabihing ang gwapo ni Pratty, kaya balik nito, hindi raw nagbabago si Heart.
Sabi ni Praty, “Grabe totoo na ‘to Hearty, after how many years? Twenty plus years? Since ano, you left ABS-CBN, ‘no?”
Sagot kaagad ni Heart, “Since I left you, charot! Ha-hahaha!”
Natawa na lang si John winika ni Heart, kaya sagot niya, “Ha-hahahaha! Ang tapang na nito, ah?”
“I changed!” sagot naman ng social media influencer.
Panimula ni Heart sa naturang episode, “There’s someone in my life that I haven’t seen. It’s up to you to decide.
“Puwede ba kayong maging friends ng past mo or puwede kayong ‘wag maging friends? But today I think we’re friends.
“So let’s all welcome, John Prats in the house.”
Habang nagkukuwento si Heart na first crush niya si John, dahil may iba itong crush, biglang sumingit ang director na, “sobrang surreal na kaharap kita ngayon, parang kinikilig ako. Hindi ko na-imagine na magkikita pa tayo ulit.”
Bahagi ng kanilang tsikahan, inamin ni John, pinamimigay na si Heart sa kaibigan niya, pero na-hurt siya nang nai-in love na ito sa guy. Tapos ‘yun nangyari sa debut ni Heart sa Manila Hotel, feeling nila ikinasal na sila.
Hanggang sa inamin ni John na officially si Heart ang kanyang first girlfriend, na kinontra ni Heart. Kaya nag-explain si John na may sinagot daw siya over the phone lang. At sa lahat daw ng naging ex-gf niya, wala siyang masasabi na hindi maganda kay Heart.
Hanggang sa magkahiwalay na sila at tuluyang mawala na ang kanilang loveteam. Bagay na nakaapekto nang husto kay John, na kailangan niyang mag-survive na mag-isa at hindi na ulit nagka-loveteam.
Bagay na ikinagulat ni Heart at iniyakan niya, dahil hindi niya alam ang pinagdaanan ni John noong naghiwalay na sila ng landas.
Kaya buong tapang na isiniwalat ni John na, “kung meron akong iisipin na magandang Heart sa memories ko, kasi siyempre ako ang sumira. Aaminin ko na, pasensiya na po sa JoHeart.”
Hindi pa tapos si John sa pagsasalita, ay napayakap na si Heart, sabay sabing, “you’re my forever friend.”
Malaki rin ang pasasalamat ni Heart sa pamilya ni John, isang bagay na hindi niya malilimutan.
Para sa buong episode panoorin lang sa YouTube channel ng GMA-7 ang ‘Heart World’.