• May 19, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOMINIC, may pahayag sa naudlot na kasal nina BEA at VINCENT

MASASABI bang vindicated itong si Dominic Roque sa sinasabing pagkakansela ng kasalang Bea Alonzo at Vincent Co?

Kung inyong matatandaan, naging kontrobersyal ang hiwalayan nila Dominic at Bea noong 2024.

Nasa punto na rin sila noon ng pagpapakasal, subali’t sa rami ng mga nangyaring problema, naudlot din yon at nauwi sa hiwalayan.

Naka-move-on na si Dominic at kasalukuyang masaya sa piling ng bagong pag-ibig sa katauhan ni Sue Ramirez.

Ngunit kamakailan lang, ng umugong ang balitang kanselado na ang kasalang Bea at Vincent, naglabas diumano ng pahayag si Dominic sa kanyang social media. Pinagpiyestahan ito ng mga netizens. 

Ayon sa post: (published as is)  

“In the midst of planning our wedding, I stumbled upon the truth that shook me: my partner valued a pre-nuptial agreement over our love. It’s a painful realization, but I refuse to compromise my self-worth.

“So, with sadness but strength, I’ve chosen to walk away. Here’s to honoring ourselves and believing in a love that knows no conditions”.

Umani ito ng samu’t saring komento. 

May mga naniniwalang si Dominic ang mismong nag-post. Meron din namang hindi kahit ito ay may verified check para patunayang siya talaga ang nagsalita.

Maging si Ogie Diaz ay hindi naniniwalang makakapag-post si Dominic ng ganon kasi straight English daw.

Sa mga nakakakilala kay Dominic, alam nilang fake news ito, kahit pa sabihing may blue check ito sa tabi ng kanyang pangalan.

Madali raw itong gawin through AI o editing application.

Sa ngayon, wala pa rin pahayag ang aktor kung totoong siya ang nag-post nito, o gawa-gawa lamang ng ibang tao.

Sa nangyaring ito, mapapatunayan kayang justified itong si Dominic?

***

BUKOD tanging Nathan Studios Inc. ni Sylvia Sanchez lamang ang nagbigay daan para maipakita ng mga kabataang may down syndrome ang kanilang talento sa pag-arte. 

Ilan sa mga pumirma ng kontrata under Nathan Studios Artists Management ay sina Krystel Go (MMFF 2025 Best Actress para sa pelikulang I’m Perfect), at si Earl Jonathan Amaba ( MMFF 2025 Best Actor nominee para sa pelikulang I’m Perfect).

Ayon kay Sylvia,”Walang limitasyon ang talento. It is not about labels, but about heart, hard work, and courage. Itong mga artists natin ay may mga great skills, creativity, and honesty that comes from the heart. So, bakit hindi natin sila bigyan ng pagkakataon.

“Sa ngayon, masaya ako sa support na natatanggap nila. Bukod sa mga endorsements, may mga bago silang projects. Makakapagbigay sila ng inspirasyon sa ibang kagaya nila na may down syndrome. Yun bang para magkaroon ng self-esteem at confidence na kakayanin rin nila.

“We want these artists to be heard, seen, loved, and accepted by everyone.”