• May 19, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

JUDY ANN, bibida sa political film na ‘Aid’ kasama ang French stars

PAREHONG pasok sa international scene sina Judy Ann Santos at Lovi Poe, na dalawa sa mahusay na akres sa Philippine showbiz. 

Si Juday ay bibida along with Jean Balibar and Stacy Martin sa “Aid”. Political drama ang tema ng movie at ididirek ito ng award-winning director na si Brillante Mendoza na kilala sa mga international film festival. 

Samantalang si Lovi ay pasok naman sa cast ng “Ignition” isang thriller film. At bongga, sina Maise Williams ng “Game of Thrones” at Rory Kinnear ng “The Diplomat” ang co-stars niya sa naturang pelikula. 

Nakatakdang isali sa Cannes Film Festival ang “Aid” ni Judy Ann at ipapalabas naman sa mga sinehan sa US ang “Ignition”. 

Kaka-proud naman!

***

KAHIT biglaan ang alok kay Rozz Daniels ng manager at friend na si Benny Andaya ay agad itong napapayag.

Para ito sa 20 years ng adbokasiya ni Benny, na mamigay ng mga school supplies sa mahihirap na estudyante sa Masbate na tinawag niyang “Balik Eskwela Program.” Agad ngang napa-oo si Rozz na maging main attraction sa charity show titled “Bulong ng Damdamin ni Rozz Daniels”. 

Mapapanood ito ngayong May 23, 7:00 PM sa D’ Malate Cafe na ididirek ni Benny. May mga special guests siya rito at 500 ang ticket price. 

At hindi lang magso-show si Rozz sa gabing ito kundi sasama pa sila ng American husband na si Sir David Daniels kay Benny sa pag-uwi nito sa Masbate sa May 27, para mamigay ng tulong at magbigay ng aliw sa mga kabataan.

Ramdam ni Rozz ang mga batang ito lalo’t galing rin siya sa mahirap na pamilya bago naging successful sa America. Kaya gusto rin tumulong at sumuporta ng tinaguriang Pop Rock Diva of the Philippines sa nasabing adbokasiya.

Sa May 26 naman ay magsi-celebrate si Rozz kanyang kaarawan.