• April 29, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Matuloy na kaya ang pagsasanib nila ni Bossing Vic… VICE GANDA, may bonggang collab na aabangan sa ‘MMFF 2026’

ISA si Vice Ganda sa pararangalan ng SPEEd (Society of Philippine Entertainment Editors) sa 9th EDDYS na magaganap sa Hulyo bilang Box Office Hero ng nakaraang taon para sa pelikulang ‘Call Me Mother.’
Kasama niyang pararangalan sina Maricel Soriano para sa ‘Meet, Greet & Bye’, Kim Chiu at Paulo Avelino para sa ‘My Love Will Make You Disappear’, at Richard Gutierrez para sa ‘Shake, Rattle & Roll: Evil Origins.’
Isa ito sa highlights taun-taon sa The EDDYS.
Samantala, balitang-balita na may bonggang collab na aabangan para sa MMFF 2026.
Ayon sa Best Actor ng Metro Manila Film Festival (MMFF) 2025 may ikinakasa na raw silang entry.
“Nakailang meeting na rin naman kami,” pahayag ng Unkabogable Star.
“Nagbe-brainstorm kami every now and then. Nakailang meeting na kami…
“Bongga yung ka-collab ko this time!”
May bali-balita o isinusulong na maka-collab niya at si Vic Sotto raw ito.
“Hindi ko alam. Hindi ako masyadong nagbabasa lately. Basta, isa siyang pasabog na collab,” paniniguro niya ng premyadong komedyante.
“Yeah, oo. E, kasi yun din naman… siyempre antagal ko na rin namang nagso-solo movie.
“So excited din yung mga tao na makita kung sino yung ibang puwede ko pang makasama sa pelikula,” dagdag pa niya.
At dahil birthday ni Bossing Vic kahapon, April 28 ay nagbigay siya ng pagbati…“Happy, happy birthday, Bossing! I love you for life! Gusto mong magka-movie tayo, Bossing?”
Naitanong din kay Vice kung nagkita na ba sila ni Bossing Vic?
“Last Christmas! Last Christmas, oo, holiday season last year. Last December lang sa Hong Kong, nagkita kami,” sagot ni Vice.
“Same hotel kami. Kasama niya si Sir Val Sotto. Family daw sila.”
Anyway, hindi na pinalampas ng members of the press kung ano ang sentiments ni Vice na may pinagdadaanan na naman ang ABS-CBN.
Tungkol nga ito sa sigalot sa pagitan ng Lopez family.
“E, for the longest time, wala naman akong ibang puwedeng gawin kundi ipagdasal ang ABS-CBN, di ba?” sersoyong pahayag ni Vice.
“Magmula pa noong natanggalan ng prangkisa yan, di ba? So, wala naman akong ibang puwedeng gawin kundi ipagdasal sila at suportahan sila at manatili akong kasama nila habang lumalaban sila sa mga pagsubok nila, yung ganun.
“And hopefully… siyempre kahit naman siguro kayo, di ba? Hopefully, mas gusto natin na masolusyunan kung ano man yung mga problema nila.
“Kasi, mas maraming makikinabang na mga pangkaraniwang Pilipino kung magiging mas maayos na yung sitwasyon ng ABS-CBN.
“Kasi hindi lang naman mga artista at mismong nagtatrabaho sa ABS ang nakikinabang sa ABS-CBN, e.
“The entire country has been served by ABS-CBN, di ba? Hindi lang mga programa nila ang serbisyong naibibigay ng ABS-CBN kundi marami pang ibang mga uri ng serbisyong naibigay sa lipunan ng ABS-CBN, e.”
Dagdag pa niya, “Yung simple nga lang, di ba, na pag may mga sakuna… yung parang nawalan ng isang malaking plataporma na nakapagbibigay-alam sa mamamayan tungkol sa mga sitwasyon ng sakuna, di ba?
“Yung nagbibigay ng mga babala sa mga sakuna. Isa yan sa mga sentimyento ng mga tao na, ‘Kasi walang ABS,’ kaya hindi sila masyadong informed. Di ba?
“So, bukod sa mga taong nagtatrabaho mismo sa kumpanyang yan, maraming nakikinabang sa ABS na pangkaraniwang mamamayan.
“Na yun ang sana, dalangin natin na hindi maputol. Kasi sa ngayon, ang kailangan ng mga Pilipino ay serbisyo hindi lamang sa gobyerno kundi sa iba pang mga tao, di ba?”

(ROHN ROMULO)