FIFA President tiniyak ang pagsali ng Iran sa World Cup
- Published on April 17, 2026
- by @peoplesbalita
KINUMPIRMA ni FIFA president Gianni Infantino na maglalaro sa 2026 World Cup ang bansang Iran.
Kasunod ito sa usapin na hindi sila lalahok dahil sa patuloy na kaguluhan sa Gitnang Silangan.
Sinabi nito na pupunta ang iran kung saan irerepresenta nila ang kanilang mga tao at sila ay legal na nakapag-qualify.
Walang magiging problema kahit ang mga laro nila ay gaganapin sa US.
Paglilinaw ng FIFA President na dapat ay mailayo ang sports sa usapin ng pulitika.
Magsisimula ang World Cup sa Hunyo 1 kung saan magiging host countries ang US, Canada at Mexico.