• April 17, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, binuhat ang isang sako ng bigas sa isinagawang distribution program sa Manila

PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., araw ng Huwebes, ang distribusyon ng bigas sa Lungsod ng Maynila bilang bahagi ng hakbang ng pamahalaan na pagaanin ang paghihirap ng publiko sa gitna ng tensyon sa Gitnang Silangan.
Sa isinagawang pamamahagi, personal na iniabot ng Pangulo ang isang sako ng bigas sa benepisaryo. Sa katunayan ay binuhat at itinaas pa nito ang isang sako ng bigas na parang dumbbell.

Kamakailan ay pinalagan ng Pangulo ang kumakalat na fake news na siya ay may malalang sakit at baldado na. Pinatunayan ng Pangulo na siya ay malakas at maayos ang kanyang kalusugan sa pamamagitan ng pag-jumping kacks at pag-jogging sa Palace compound kasama ang mga miyembro ng media.
Sa kabilang dako, ang Biyayang Bigas Para Sa Maynila ay naglalayon na kaagad na makapagbibay ng agarang food relief sa mga pamilya ng taga-Lungsod sa gitna ng nagpapatuloy na economic pressures bitbit ng tensyon sa Gitnang Silangan.
Pinagagaan ng programa ang food costs para sa 80,000 pamilya sa Maynila.
Nagbigay din ang programa ng six-month relief sa transportasyon at service sector workers na “most vulnerable” sa economic pressures.
Ang programa ay mayroong pondo na nagkakahalaga ng P286,000,000, na ipinalabas ng Office of the President (OP) sa local government of Manila sa pamamagitan ng Financial Assistance to Local Government Units (FALGU) program.
Ang Department of Environment and Public Services (DEPS) ang humahawak ng pag-iimbak at transportasyon ng rice stocks habang ang Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) ang nangunguna naman sa distribusyon ng Tricycle Operators and Drivers’ Association in the Philippines (TODA) at Jeepney Operators and Drivers Association (JODA) members.
Sa kabilang dako, tumutulong naman ang Bureau of Permits (BOP) sa pagtukoy at distirbusyon sa service workers at iba pang working-class beneficiaries. (DARIS JOSE)