• March 14, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mahusay na swimmer at nagko-compete sa ibang bansa… MARIAN, super busy sa pagpapaka-nanay lalo na kay ZIA

NANINIWALA si Angelica Panganiban na dahil kumportable na kasi sila sa isa’t isa ni Zanjoe Marudo kaya effective silang magkatambal at palagi silang kinukuha.

Bilang katatapos lang nga ng “UnMarry” na pinagsamahan nilang MMFF at ngayon nga, sa bago nilang serye, ang “The Silent Noise” na mapapanood muna sa Prime simula sa March 20.

Natawa na lang ito nang sabihan siya na para na silang loveteam talaga.
“Ha ha ha! May loveteam pa ba?”

Kahit nga hands-on mom sa tatlong taong gulang na anak na si Amila, naisisingit na rin daw niya ang mag-trabaho.

“Hindi naman don lang umiikot ang mundo ko. May trabaho pa rin naman ako. Kapag gusto ko ang project, gagawin ko siya.”

All-out naman daw ang suporta sa kanya ng kanyang mister na si Gregg Homan.

Sa isang banda, katulad ng “The Silent Noise” at kahit daw mga nakaraang proyekto n’ya, sigurado si Angelica na maari n’yang ipapanood sa anak ang mga ito pagdating ng panahon.

“Lahat ng ginawa ko ay pwede n’yang panoorin. Wala akong ikakahiya, lahat ng ginawa ko.”

***

GOOD thing din talaga na wala pang teleseryeng sinisimulan ngayon si Marian Rivera.

Habang si Dingdong Dantes naman ay merong “Master Cutter.” Paano, very busy si Marian ngayon na magpaka-nanay talaga sa kanilang panganay na anak na si Zia.

Mahusay na swimmer si Zia kaya hindi na lang ito sa bansa lumalaban, hanggang sa ibang bansa na.

Nang minsan naming maka-chat si Marian, nabanggit nga niya na ang busy ng mga kids nila na sina Zia at Sixto. Si Zia raw ay may competition naman sa Bangkok.

So siyempre, as a nanay, talagang priority ni Marian ang mga anak. At siguradong hindi ia-allow ang mga ito na mag-travel na wala isa man sa kanila ni Dingdong.

(ROSE GARCIA)