• April 28, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

SENIOR CITIZENS PARTY LIST CONG. ORDANES, PUMALAG SA PAGKAKAARESTO SA SENIOR DZRH REPORTER

MARIING kinondena ng Senior Citizens Party List ang pagkakaaresto sa beteranong reporter ng DZRH na si Misael Boy Gonzales, Jr. nitong Miyerkules.

Ayon kay Senior Citizens Party List Rep. Rodolfo Ompong Ordanes, hindi man lamang binigyan ng konsiderasyon ang edad ng beteranong mamamahayag na nasa edad 62 makaraang hindi payagang makapag piyansa ito.

Kinuwestiyon ni Rep. Ordanes ang ginawang aksyon ng mga tauhan ng Manila Police District sa sistema ng pagkakahuli kay Gonzales gayong pinapayagan naman ng korte na makapag piyansa ang naturang reporter nung Miyerkules.

Dinakip si Gonzales dahil sa reklamong inihain sa kanya ng isang konsehal sa kasong lascivious conduct at isyung paglabag sa Data Privacy Act ang inirereklamo ng konsehal laban sa reporter kung saan nabanggit ng reporter ang tinutuluyan ng konsehal base na rin sa warrant nito.

Sinabi ni Rep. Ordanes na bagaman mali ang nagawa ng reporter, dapat may konsiderasyon pa rin sa desisyon ng korte na payagang makapagpyansa ang reporter lalo pa senior na ang kalagayan.

Kilala ang Senior Citizens Partylist sa pagtaguyod ng kapakanan at karapatan ng bawat nakakatanda sa bansa kung kaya’t hindi kumporme ang kongresista sa hindi angkop na pagtrato sa pagkakadakip sa naturang reporter. (PAUL JOHN REYES)