• March 13, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Isang malaking sorpresa ang pagkakaroon ng anak… SMOKEY, inamin ang kalagayan ni KIKO na na-diagnose with autism

ACHIEVE na achieve ni Ashley Ortega ang pagiging kontrabida sa kanyang karakter sa ‘Apoy sa Dugo’.
Ibinahagi ng aktres na sumailalim siya sa konsultasyon sa isang psychiatrist upang mas maunawaan niya ang kanyang karakter na si Angel Sangalang, na may borderline personality disorder.
“In preparation for my character, nag-usap kami ng producer, director, and mga writers, and I also talked to a psychiatrist para mapag-usapan namin kung ano ‘yung disorder ni Angel, and kung ano ‘yung mga behavior na ginagawa niya,” kuwento niya.
Ikinuwento rin ni Ashley na mas naging maingat siya sa pagganap sa kanyang karakter dahil tinatalakay sa serye ang usapin ng mental health.
“The show is about mental health as well, so it is something na we have to take seriously as well, kasi sensitive siya, kasi may mga tao talagang ganon na disorder, so I really have to take care of my character,” paliwanag niya.
“Kasi parang ito rin ‘yung point of view nila, I mean ayun rin ‘yung sinabi ko kila Direk na bilang antagonist, ayoko ‘yung nagma-maldita lang siya for the away away lang,” aniya.
Dagdag pa niya, “Parang sabi ko game naman na magkaroon ng mga breakdowns si Angel. Basta may pinanggalingan para makita rin ng mga tao ‘yung mga taong pinagdadaanan ‘yun. Meron talaga silang pinanggagalingan and may mga trigger moments sila.”
***
NAGING isang malaking sorpresa para sa actor na si Smokey Manaloto at sa kanyang non-showbiz partner nang i-welcome nila ang anak na si Kiko noong 2022, lalo na at 51 na siya nang magkaroon ng anak.
Isang “welcome accident” ang pagkakaroon niya ng anak, lalo na at matagal na niyang gustong mangyari ito.
“I’ve always wanted to have a kid. Kaso lang, ang problema, I haven’t found the perfect partner to have a kid with. And now, I’m very happy, very satisfied that the person I am with right now, I can truly say is my soulmate,” sabi ni Smokey.
Pero inamin din ni Smokey ang kalagayan ng kanyang anak.
“My son is diagnosed with autism. He’s in the spectrum and it’s tough, pero every milestone — alam mo, napapansin ko nga na ibang tao, they take for granted ‘yung maliliit na mga bagay na nagagawa ng anak.
“Pero for a parent who has a kid who’s on the spectrum, the small things mean a lot. Tapos it’s very emotional for me to talk about it pero I really, really love my kid, kahit ano pa siya.”
Ayon pa ng ‘Born To Shine’ cast member, mas na-a-appreciate niya ngayon ang maliliit na bagay na nagagawa ng anak niya na madalas ay hindi napapansin ng ibang magulang.
***
HINDI raw muna titira ang singer na si Rihanna sa kanyang Beverly Hills mansion pagkatapos na pagbabarilin ito ng isang stalker.
Ayon sa report ng TMZ, ang stalker na bumaril sa mansion ng “Umbrella” singer ay nagngangalang Ivanna Ortiz.
“Ivanna Ortiz was booked for attempted murder at 2:06 a.m. Monday. Her bail has been set at $10.225 million.”
Pinost pa raw ni Ortiz sa social media ang pagratrat niya ng AR-15 type rifle sa bahay ni Rihanna
Sa isang YouTube video, sinabi ni Ortiz na: “Rihanna’s face is the devil. I don’t like her and she’s always trying to steal from me… She only did her little music thing so she could do witchcraft and so that she can steal from people. Yeah, she’s a witch. I’m a watchman. She’s a witch… Get that stupid girl out of here.”
Kinasuhan na si Ortiz for attempted murder.

(RUEL J. MENDOZA)