• February 27, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bagong gusali ng Wawa Elementary School sa Navotas, pinabasbasan

BINUKSAN na sa publiko ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang bagong gusali ng Wawa Elementary School, kasunod ng pagbabasbas nito sa pangunguna ni Mayor John Rey Tiangco.

Ayon kay Mayor Tiangco, mula sa dating two-storey building, mayroon na ngayong four-storey building ang paaralan na may tig-limang classrooms bawat palapag.

Dagdag niya, mas pasado na ito sa safety standards kaya mas ligtas ang paaralan para sa mga estudyante, mga guro, at mga school personnel.

Nagpasalamat naman si Mayor Tiangco kay Congressman Toby Tiangco sa pagtulong nito para mapondohan ang nasabing proyekto.

“Salamat sa tulong ni Cong. Toby Tiangco kaya napondohan ang proyektong ito. Alagaan natin ang paaralan at ituring na parang tahanan para mas maraming makinabang dito,” pahayag niya.

Panawagan ng pamahalaang lungsod na alagaan ang bagong gusali at ituring itong parang sariling tahanan para mas marami pang kabataang NavoteƱos ang makinabang nito. (Richard Mesa)