VP Sara, isang maliwanag na ‘pruweba’ na hindi lahat ng Marcos-appointed execs ay ‘competent’
- Published on February 26, 2026
- by @peoplesbalita
SINABI ng Malakanyang na si Vice-President Sara Duterte ang isang maliwanag na pruweba na hindi lahat ng mga itinalagang miyembro ng Gabinete ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ay ‘competent.’
“Let us look who’s talking. Mukhang tumama naman po siya dahil siya bilang secretary ng DepEd naitalaga siya ng Pangulo, pinagtiwalaan siya ng Pangulo pero sa bandang huli aamin pala ang Bise Presidente na siya ay walang kalam-alam sa pagiging DepEd Secretary,” ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press conference sa Malakanyang.
“So, totoo po iyan hindi po lahat ng secretary na naitalaga dahil sa tiwala ng Pangulo, sa paniniwala sa kanila ay hindi pala talaga magaling,” aniya pa rin.
Muli namang binungkal ni Castro ang usapin ng maling paggamit ni VP Sara ng pondo sa dalawang taon na siya ay Kalihim ng Department of Education (DepEd).
“Doon pa lamang po sa mga ghost students, ghost vouchers, ghost food packs, ghost laptops, ghost school materials – lahat ng multang ito ng Bise Presidente noong siya ay DepEd Secretary huwag niyang pag-alala ni Castro.
“At ang mga kalat na ito ay ngayon winawalis at nililinis ni Secretary Sonny Angara ng DepEd,” diing pahayag ni Castro.
Sa isang panayam kay VP Sara, sinabi nito na ang magulong pamamahala ni Pangulong Marcos ay lumawig na hanggang sa mga ahensiya ng gobyerno.
“You can see that governance now seems messy because it’s the same in some departments. It would have been fine if all the secretaries were competent,” ayon kay VP Sara. (Daris Jose)