• March 2, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tuloy na ang paggiba ng Dolphy Theater sa August… ERIC, ibinahagi ang planong ilipat sa bagong studio ng ABS-CBN sa Bulacan

AYON mismo kay Eric Quizon ay malaking bahagi ng kanyang showbiz career ang ABS-CBN.
“I started my television career with them. My first television show was Loveli-Ness. I co-hosted with Alma [Moreno].

“In fact actually, this year… I started in the industry in 1986. I was 19. So this year is actually my 40th year in the industry. Forty years!”

Ang ABS-CBN rin ang nagbigay ng tiwala kay Eric upang bukod sa pagiging actor ay sumubok siyang maging direktor.

Kaya marami siyang hindi malilimutang alaala sa sa Kapamilya Network.

“Fond memories, marami. ABS-CBN also gave me my first game show. It lasted for almost eight years, Ready, Get Set, Go!.

“ABS is the one who gave me my first… it gave me the chance as a director.

“So my first directorial job was for Maalaala Mo Kaya, and then eventually, I was doing Maalaala, Once Upon A Time, and Star Drama.

“So, kumbaga, nag-switch talaga yung career ko from being just an actor, but to a director as well.

“To a point na puro pagdidirek na lang yung ginagawa ko,” kuwento pa ni Eric.

Kaya ikinalulungkot ni Eric na gigibain na ngayong taon ang compound ng ABS-CBN na naibenta na.

Bukod dito, kasama sa made-demolish ay ang Dolphy Theater, na tribute ng ABS-CBN sa ama ni Eric na Comedy King.
“I know by August. Yeah, I was told. Wala na, naibenta na, e. So, gigibain talaga yun,” pahayag ni Eric nang makausap namin sa grand opening ng JuanMeds Pharmacy sa Lemon Square, sa EDSA Quezon City.
Ang bagong studio ng ABS-CBN ay sa Bulacan at sa pagkakaalam ni Eric ay magkakaroon din doon ng Dolphy Theater.

“Alam ko kung may plans sila na ilipat yung theater doon.

“Kasi, dine-develop pa rin naman talaga nila yun.”

Kaya hindi pa sigurado si Eric kung ibibigay sa kanya ang hinihingi niyang insignia na nakalagay sa labas gigibaing ng Dolphy Theater kung saan may mukha ng namayapang niyang ama.

“Yung insignia, the signage? Hinihingi ko kay Tita Cory [Vidanes]. Sabi niya, ‘Tingnan natin, Eric, kasi baka gagamitin din namin yan.’

“They might put up another Dolphy Theater in Bulacan. “So, may ganun naman sila.

“Sabi ko, ‘Pagka ano, ha? Akin na lang yan,’” kuwento pa ni Eric.

Samantala, si Eric ang celebrity endorser ng JuanMeds Pharmacy na isang online drugstore na pag-aari ni Rico Fernando M. Chico na dating nagtatrabaho sa ABS-CBN.

Ihahatid mismo sa bahay ng um-oder ang mga gamot, branded at generic, na in-order.

Kasama si Eric sa pelikulang ‘Until She Remembers’ nina Barbie Forteza, Boots Anson-Rodrigo at Charo Santos-Concio na magso-showing sa mga sinehan sa Pebrero 25.

Sa direksyon at panulat ng maituturing naman na isa sa mga hari sa larangan ng pagdidirek, si Brillante Mendoza, ang Until She Remembers ay mula sa Center Stage Productions at Solar Studios, Inc. at executive producer Wilson Tieng kung saan tampok rin sina Albert Martinez, Angel Aquino, Eric Quizon, Vince Rillon, Erlinda Villalobos, Carlitos Siguion-Reyna, Perla Bautista, Angel Latorre, Bianca Kierulf, at iba pa.