Hoping na matuloy silang makapag-dine out ALDEN, humabol na batiin si SHARON na nag-celebrate ng 60th birthday
- Published on January 9, 2026
- by @peoplesbalita
SA pamamagitan ng short video, nakahabol si Alden Richards na kararating lang mula Amerika, na batiin ang kanyang Mama Sharon Cuneta na nag-celebrate ng 60th birthday last January 6.Agad naman itong pinost ni Sharon sa kanyang Instagram.Caption ni Megastar sa video greeting ng kanyang, anak-anakan, “No – my other handsome, astig and sikat son, my beloved @aldenrichards02 did not forget his Mama on her birthday!“Love you and am sooo proud of you, anak!“Thank you for loving me always. Mama Ten thank you too! I miss you both so much! Happy birthday also my son though I greeted you na!”Mama nga ang tawag ni Alden kay Sharon sa naturang video greeting, nagsimula ito nang magsama sila sa family drama movie na ‘Family of Two’. “Hi, Mama! Happy, happy birthday! Thank you for your message during my time in need, Ma. Salamat.“I hope you’re doing well. I miss you so much. Syempre, si Mama Ten.“I just arrived from the US, last night, Ma. So, when we got the chance sana makakain tayo sa labas para matuloy na.“We miss you. I love you, Mama. Happy birthday,” pahayah pa ni Alden.Tuwang-tuwa naman ang mga netizen, dahil hanggang ngayon ay ramdam nila ang pagiging ‘sweet son’ ni Alden kay Sharon. Wish namin na magkaroon uli sila ng chance na magsama sa isang project. Belated Happy Birthday Mega! ***NAKAPAGRIBYU ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), sa ilalim ng pamumuno ni Chairperson at CEO Lala Sotto, ng kabuuang 171,972 na materyal nitong 2025, patunay ng dedikasyon ng Ahensiya na isulong ang responsableng panonood sa gitna ng mabilis na paglago ng digital media landscape.Kabilang sa mga nabigyan ng angkop na klasipikasyon ang 127,704 television programs, 40,505 TV plugs at trailers, 1,695 publicity materials, 10 optical media materials, 1,380 movie trailers at 671 films.Kabilang dito ay 311 lokal na pelikula at 360 banyaga.Nasa 359 ang rated PG (Patnubay at Gabay ng Magulang)—angkop sa mga batang 12 at pababa basta’t may kasamang magulang o nakatatanda.May 48 na rated G (General Audience) para sa lahat ng edad; 142 rated MR-13 (Restricted-13); 98 R-16 (Restricted-16); at 28 R-18 (Restricted-18).Tatlo lamang sa 671 ang na-X, o hindi puwedeng ipalabas sa sinehan.Noong 2025, iniulat ng Ahensiya ang 13.34 porsiyentong pagtaas sa bilang ng mga pelikulang naklasipika, mula 592 noong 2024.Tumaas din sa 151.37 porsiyento ang bilang ng mga movie trailer sa sinehan, telebisyon at iba pang lugar, mula 54 noong 2024 din.“Ang mga bilang na ito ay nagpapahiwatig ng positibong senyales ng muling pagsigla at pag-usad ng industriya ng pelikula,” sabi ni Sotto.Ayon pa kay Sotto, binibigyang-diin ng mga datos ang mahalagang papel na ginagampanan ng MTRCB para maproteksyunan ang mga manonood, laluna ang mga batang Pilipino, habang nananatiling sumusuporta sa industriya ng pelikula at telebisyon.Ipinahayag din ni Sotto ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa 31 Board Members “sa kanilang dedikasyon at walang sawang pagtitiyak na ang lahat ng materyal ay nabibigyan ng angkop na klasipikasyon bago ipalabas sa publiko.”Binigyang-diin din ni Sotto ang importansiya ng MTRCB ratings na nagiging gabay ng mga magulang pagdating sa pagpili ng angkop na papanoorin, habang iginagalang ang malayang paglikha.Sa buong taon, patuloy na pinagtitibay ng MTRCB ang proseso nito at pinalalakas ang koordinasyon sa mga stakeholder.Patuloy din ang mga inisyatiba nito pagdating sa pagpapalaganap sa publiko tungkol sa “Responsableng Panonood,” pangunahing kampanya ng MTRCB tungkol sa media literacy.(ROHN ROMULO)