• April 27, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

New Year’s celebration ‘generally peaceful’ – PNP

INIHAYAG ni Philippine National Police (PNP) Acting Chief PLtGen. Jose Melencio Nartatez, Jr., na generally peaceful ang pagdiriwang ng pagsalubong sa Bagong Taon sa buong bansa.

Sinabi ni Nartatez na walang banta o anumang insidente ng karahasan ang naitala mula nitong Kapaskuhan hanggang sa New Year’s revelry.

“I commend all our personnel on the ground for successfully implementing our security plan which led to the peaceful and orderly New Year celebration across the country,” ani Nartatez.

Ayon kay Nartatez, malaki ang kanilang pasasalamat sa mga local government units na nanguna at nagpatupad mga regulasyon hinggil sa bentahan at pagpapaputok.

Bagama’t may iilang mga insidente ng pagpapaputok at biktima ng paputok, maituturing pa rin ligtas ang pagsalubong sa taong 2026

“The coordination with local government units and other agencies and stakeholders also played a key role in peace and order and in responding to all public safety concerns,”dagdag pa ng Acting PNP Chief.

Giit pa ni Nartatez, nakita sa publiko ang pagsunod sa mga awtoridad kabilang ang inspections, checkpoints, at kompiskasyon ng mga ipinagbabawal na paputok.

“Hindi kakayanin ng PNP mag-isa ang pagpapanatili ng kaayusan kung walang tulong ng mamamayan,” ani Nartatez.
( Daris Jose)