Pinas, tanggap ang ceasefire deal sa pagitan ng Cambodia, Thailand
- Published on January 2, 2026
- by @peoplesbalita
TANGGAP ng Pilipinas, bilang napipintong chairman ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), ang kasunduan sa pagtigil ng labanan sa pagitan ng Cambodia at Thailand matapos ang ilang linggong bakbakan.
Sa ulat, nagkasundo ang Thailand at Cambodia para sa kapayapaan na nag-iwan ng 101 katao na nasawi.
“The Philippines fully supports the latest move by Cambodia and Thailand to return to a ceasefire and acknowledges the desire of both parties to return to dialogue and seek a peaceful and durable means to resolve the issue,” ayon kay Foreign Affairs Spokesperson Angelica Escalona.
Sa isang joint statement, ipinalabas araw ng Sabado, kapuwa sumang-ayon ang magkabilang panig na magpatupad ng de-escalation measures, kabilang ang payagan ang mga mamamayan na nakatira sa apektadong border areas na bumalik.
Napagkasunduan din ng dalawang estado na pakalmahin ang puwersa kasama ang buong Cambodia-Thailand border.
Samantala, kasunod ng two-day summit nito lamang Dec. 28 hanggang 29, Cambodia’s Foreign Minister, Prak Sokhonn, at kanyang Thai counterpart, Sihasak Phuangketkeow, nakapulong si Chinese Foreign Minister Wang Yi sa Yunnan, China, para pag-isahin ang ceasefire at pag-usapan ang mga hakbang para ipagpatuloy ang ‘normal exchanges’ at muling patatagin ang mutual trust. ( Daris Jose)