• June 22, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagdiriwang ng Pasko sa Luneta buhay na buhay pa

DAGSA pa rin ang tao sa Rizal Park o Luneta na mas piniling mag-bonding sa araw ng Pasko na matagal nang nakaugaliang puntahan lalo ng mga pamilyang Pinoy.

Maaga pa ay makikita na sa nasabing parke ang grupo-grupo ng mga nagkakasiyahan na pawang mga naglatag ng mga banig, at iba pang uri ng sapin para sa kanilang upuan at higaan habang nasa tabi ang mga baong pagkain.
Ilan din ang may dala dalang sariling upuan at mga pet o alagang aso.

Isang malaking picnic area ang Luneta na may magandang tana­win at open-air para sa mga nagtitipid na pamilya o mga limitado lamang ang badyet ngayong okasyon.

Patunay na hindi pa rin kumukupas ang halaga ng Luneta sa usapang tradisyunal na pamamasyal na tinatangkilik ng mga Pinoy sa loob ng maraming dekada.