• June 22, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mula ito sa kinita ng kanyang famous vlog… ALEX, namahagi kasama si MIKEE ng Noche Buena package sa 100 families

EVERY Christmas, namamahagi talaga si Alex Gonzaga ng pang-Noche Buena para sa mahihirap na nakatira sa kalye o kalsada.
At ang ipinamimigay na ito ni Alex ay galing sa lahat ng mga nalikom niya sa pangangaroling mula sa mga bigating pulitiko at negosyante at sa sarili niyang bulsa.
Pero this year, dahil sa pagod na, at nagahol na sa oras. Yung bahagi ng kinita ni Alex sa kanyang famous and well watched vlog ng netizens ang kanyang personal na ipinamili sa supermarket kasama ang bestfriend na si Fifth Solomon at personal assistant na si JC Bagio.
At sangkaterbang grocery items talaga ang binili ni Alex. Siniguro talaga niya yung importanteng daily needs tulad ng kape, asukal, gatas, de lata, noodles, pasta and spaghetti sauce, fruit salad at mustard cake para sa panghanda ang kanyang mga ipagkakaloob.
Ipinamigay niya ito kasama ang mister na si Lipa City Vice Mayor Mikee Morada bago mag-Pasko. Inikot talaga ng famous couple ang mga kalsada kung saan nakatira sa kariton at naglalatag lang ng karton ang mga homeless nating mga kababayan.
At parehong masaya at fulfilled sina Alex at VM Mikee sa kanilang goal na makatulong sa maliit nilang pamamaraan, na kung saan nakapagbigay sila this Christmas sa 100 families.
***
EARLY December pa lang ay sunod-sunod na ang dating ng regalo sa famous celebrity lawyer na si Atty. Maggie Abraham-Garduque.
Galing ang Christmas gifts sa mga friends and super generous clients ni Atty. Maggie. This is their way para pasalamatan ang friend naming lawyer, na base sa record ay marami ng mga naipanalong kaso dito sa iba’t-ibang lugar sa Mega Manila at probinsya.
And wow super fabulous yung gift na natanggap ni Atty. Maggie from her friend Happy Marnique Del Rosario na set of diamonds na ring and earings.
Well, nakapag-build-up naman kasi ng friendship ang nasabing celeb lawyer sa mga ito. At pagdating naman sa kanyang mga client, they are all in good hands.
By the way, sa kanyang social media accounts ay pinasalamatan lahat ni Atty. Maggie ang lahat ng mga nakaalala sa kanya ngayong Pasko.

(PETER S. LEDESMA)