• September 18, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tama ang desisyon na tanggapin ang UnMarry ANGELICA, strong contender bilang Best Actress habang sa Best Actor naman si ZANJOE

WINNER na winner ang pagbabalik-pelikula ni Angelica Panganiban sa “UnMarry” na entry ng Quantum Films sa 51st Metro Manila Film Festival..Tama nga ang desisyon niya na tanggapin ang movie na Direk Jeffrey Jeturian, matapos na mag-lie low for five years sa showbiz dahil sa kanyang pamilya. At base sa napanood namin sa premiere night na inorganisa ng MMFF, wala pa ring kakupas-kupas ang galing ng aktres sa madadramang eksena.Hindi rin matatawaran ang husay sa pag-arte ni Zanjoe Marudo sa “UnMarry”, na kung saan muli silang nagkasama ni Angelica. Gumaganap siya bilang Celine, isang battered wife, emotionally at financially. Ipinagdadamot sa kanya ang mga anak sina Andy Cortez at Britney Romeo ng asawang si Tom Rodriguez as Stephen na laging ipinamumukha ang yaman niya.Nag-file ng annulment si Celine at dito niya nakilala si Ivan (Zanjoe) na iisa ang naging attorney, si Eugene Domingo as Jackie Lombridas kasama ang licensed paralegal na si Nico Antonio.Ka-join din si Donna Cariaga as Janice bilang legal secretary na kinaaliwan din ng manonood. Pinapa-annul naman ni Ivan ang kasal nila ng asawang si Maya (Solenn Heussaff ) dahil toxic na ito sa paningin niya at nakikita ito ng anak nilang si Elio na karakter ni Zack Sibug.Ang target market ng “UnMarry” ay mga mag-asawang may kinakaharap na problema, sa pagsasama, mga magkarelasyong hindi pa man kasal ay may problema na at kapag napanood nila ang pelikula ay marami silang dapat matutunan bago magpakasal. As expected, napakahusay din ni Uge bilang Atty. Jackie, na hatid ding komedya habang magaganap ang seryosong eksena. At dahil laging nagkikita sina Ivan at Celine ay naging hclose dahil parehong may problema sa kani-kanilang mga asawa.Samantala, dapat abangan ang eksena nina Angelica at tumatayong nanay niyang si Shamaine Buencamino, nakakaiyak.Ang gumanap namang kapatid ni Angge sa pelikula ay si Adrienne VergaraMapapansin din ang mga eksena ni Zack/Elio dahil sa edad na 12 at unang pelikula ito ang husay na niya. Isa kami sa naiyak sa court scene na kung saan tinanong kung kanino siya mas masaya, sa tatay o sa nanay niya?Mapapanood ang “UnMarry” simula sa December 25 bilang entry ng Quantum Films at Cineko Productions sa 51st MMFF. Para sa amin strong contender ito best Picture at best director. Of course, matindi rin ang laban nina Angelica at Zanjoe sa best actor at actress. Parang sure winner na si Eugene bilang best suppring actress. Kaya, kayo na ang humusga once na mapanood nyo na ito sa Araw ng Kapaskuhan. (ROHN ROMULO)