• September 18, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pamaskong Handog mula kay dating Mayora Corazon Almeida ng Victoria, Laguna

SAMANTALANG kahit di man nakaupo ay patuloy pa rin ang pagseserbisyo publiko niya sa mga kababayan natin sa Victoria Laguna.

Di man pinalad noong nakaraan eleksyon ay hindi ito naging hadlang upang tumulong sa ating mga kababayan sa Victoria Laguna.

Dahil sa kasalukuyan ay wala pang ayuda mula sa mga nahalal kaya’t bilang inisyatibo niya sa mga kababayan ay nagdaos siya ng isang sama-samang pagsasalo para sa miyembro ng kababaihan at mga senior citizens.

Sa panayam ng grupo ng mga mamahayag na pinangunahan ni Bb. Yvonne Bagang ng Bagong Henerasyon News Tv at ng People’s Balita ay inilahad ng dating Administrator at dating tumakbo bilang Punong Bayan ang kanyang pagmamahal sa mga mamayan nito.

Aniya, ” Kahit di man tayo pinalad ay mahal ko pa rin ang mga kababayan namin sa Victoria, hindi po ako kahit kailanman nagtampo sa aking mga kababayan, pero kung ako man ay kanilang pinagbigyan ay di lang ayuda ang matatanggap kundi babaguhin ang sistema ng ating Pamahalaan dito sa Victoria “.

Namahagi si Mayora Corazon Almeida ng mga bigas at groceries para sa mga dumalo at nagkaroon din sila pa-raffle sa nasabing programa.
(Text & Photos by Boy Morales Sr. )