• September 18, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Walang palatandaan ng foul play- autopsy… DILG: Labi sa Benguet, kay Cabral

KINUMPIRMA ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla na mga labi ni dating Public Works and Highways undersecretary Maria Catalina Cabral ang natagpuang mga labi sa Tuba, Benguet.

Ayon kay Remulla, blunt force trauma ang dahilan ng pagkamatay ni Cabral na tugma sa pagkahulog mula sa mataas na lugar.
Sinabi pa ni Remulla na walang tama ng bala o anumang palatandaan ng foul play ang mga labi ni Cabral.

Isinagawa ang auto­psy kay Cabral matapos payagan ng pamilya ang pagsusuri sa mga labi.

Nabatid na tanging awtopsiya lamang ang isinagawa ng mga forensic expert ng PNP at walang isinagawang DNA test sa labi ni Cabral.

Umaasa si Remulla na isusuko ng asawa ni Cabral ang mga perso­nal na gamit nito sa mga imbestigador matapos ang libing, habang nakatakda namang ilabas ang opisyal na autopsy report nitong Sabado, ayon sa pulisya.

Matatandaan na noong Biyernes, Disyem­bre 19, ay tumanggi ang asawa ni Cabral sa awtopsiya at nagbigay ito ng waiver sa mga awtoridad.

Kasunod ito ng mga pahayag ng mambabatas at ahensya ng gobyerno na nanawagan ng masu­sing imbestigasyon upang malaman kung may foul play sa pagkamatay ng dating opisyal.

Natagpuan ang mga labi ni Cabral noong Disyembre 18 sa gilid ng Ilog Bued sa Tuba, Benguet, malapit sa Kennon Road.
(Daris Jose)