Income na nakukuha ng pamahalaan sa pagmimina, nais makita ni PBBM na napupunta sa mga infrastructure projects
- Published on October 27, 2025
- by @peoplesbalita
GUSTONG makita ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na may pinatutunguhan ang revenue na nakukuha ng pamahalaan mula sa mining.
Partikular na nais ng Punong Ehekutibo na mapunta ang mining income sa pagpapatayo ng mga paaralan, ospital at iba pang proyektong imprastraktura gaya ng mga kalsada.
Ang pahayag ay ginawa ng Chief Exexutive sa harap ng mas pinalalakas na transparency at accountability sa sektor ng pagmimina.
Punto ng Pangulo, dapat malaman ng mga Pilipino na napangangasiwaan ang resources ng bansa at mapanatili ang sustainability.
Ang sukatan aniya ng sustainability ay kung gaano karaming buhay ang naiaangat at kung gaano napangangalagaan ang mga biyayang nakukuha sa mga lupain para sa mga susunod na henerasyon. ( Daris Jose)