hindi lang flood control projects, maging ang infra projects: ‘Sumbong sa Pangulo’, may 12,000 reklamo na- PBBM
- Published on September 9, 2025
- by @peoplesbalita
UMABOT na sa 12,000 ang reklamo mula sa mga filipino na nakahain sa “Sumbong sa Pangulo” website.
Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa pinakabagong episode na BBM Podcast na in-ere araw ng Linggo, na hindi lamang corruption-riddled flood control projects ang isinusumbong ng publiko kundi maging ang infrastructure projects.
“Since we created the website, we have 12,000-plus already reports that are coming in,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.
“And these reports are not only flood control projects. There were also reports about road paving, road widening. We are receiving so many reports,” dagdag na wika nito.
Ang mga concerned citizens ay naghain ng kanilang reklamo sa pamamagitan ng https://sumbongsapangulo.phhttps://sumbongsapangulo.ph/, online channel ng Malakanyang para sa pagsusumbong ng direkta kay Pangulong Marcos ng mga corruption cases, simula nang ilunsad ito noong Aug. 11.
“We started talking only about flood control projects. But of course, the Filipinos now have a line of communication to submit their complaints. They’re using it well and the platform has been very effective,” ang sinabi ng Pangulo.
Hinikayat naman ng Pangulo ang publiko na patuloy na gamitin ang website at magsumite ng mas marami pang reports at reklamo ng korapsyon sa kanya.
“I encourage everyone: if you have complaints, just send your reports,” anito.
Nauna rito, sinabi ng Pangulo na personal niyang itse-check ang reports na isinumite ng publiko sa online platform.
Matatandaang, binigyang diin ng Punng Ehekutibo ang kahalagahan ng public feedback sa kanyang pinakabagong anti-corruption campaign.
“We cannot do all of this without the help of the ordinary citizen. We need the citizens to play their part, their civic duty to report to the government what they see as being wrong,” aniya pa rin.
Samantala, inamin ng Pangulo na hindi makakaya ng mga tauhan ng mga ahensiya ng pamahalaan na i-physically check ang bawat sa isa mahigit na 10,000 flood mitigation projects sa bansa.