Kahit nagbitiw si PCAB executive director Matienzo, may pananagutan pa rin ito ukol sa korupsyon
- Published on September 7, 2025
- by @peoplesbalita
SINABI ni House Deputy Speaker at Zambales Rep. Jay Khonghun na hindi mapipigilan nang pagbibitiw ni Philippine Contractors Accreditation Board (PCAB) Executive Director Herbert Matienzo ang kamara na ituloy ang pagsusulong nito ng full accountability kasunod ng alegasyon ng korupsyon sa contractor registration.Ayon kay Khonghun, na una nang nanawagan ng pagsasagawa ng lifestyle check kay Matienzo sa isinagawang House Infrastructure Committee hearing, ang pagbaba sa puwesto ay hindi nangangahulugan na ligtas na siya.
“The resignation of Atty. Matienzo should not be seen as an escape from accountability. Kung may mali, may pananagutan. The House of Representatives will continue to dig into the allegations of ‘registration for sale’ at PCAB,” ani Khonghun.
Noong Martes na pagdinig, hinikayat ni Khonghun ang pagsasagawa ng lifestyle check dala na rin sa impormasyon na naninirahan ang naturang opisyal sa isang upscale village at nagmamay ari nilang sasakayan,
Itinanggi naman ni Matienzo ang alegasyon sa ginanap na pagdinig na nagsabing hindi siya naninirahan sa Alabang kundi sa Cupang, Muntinlupa.
Sinabi ni Khonghun na determinado ang kongreso na magsagawa pa ng mas malalim na reporma sa accreditation process upang matapos na ang kultura ng korupsyon sa infrastructure contracting.
“This resignation is only the beginning. We owe it to our people to clean up the system so that public funds are protected and projects are delivered honestly and efficiently,” napahayag nito.
Kinumpirma ni Trade Secretary Cristina Roque na nagbitiw si Matienzo epektibo September 3, dhahil sa “personal reasons.”
(Vina de Guzman)