LIBRENG 2 LITRO NG GASOLINA SA MGA TRICYCLE DRIVER SA NATIONAL HEROES DAY
- Published on August 25, 2025
- by @peoplesbalita
NABIYAYAAN ng libreng 2 litro ng gasolina ang may 100 tricycle driver na itinuring ng mga bayani sa mismong araw ng paggunita ng National Heroes Day sa bansa sa Agosto 25, 2025.
Kaya naman bilang gantimpala at pagsaludo sa bagong bayani ng lansangan, hindi lamang sa maayos na pagseserbisyo sa kanilang mga pasahero at maihatid na ligtas sa kanilang patutunguhan kundi may mga kuwento rin ng katapatan tulad ng pagsasauli nila ng gamit na pitaka, pera, dokumento at cellphone kaya pinagkalooban sila ng Kapatirang Tau Gamma Phi, Rosario Municipal Grand Council ng libreng 2 litro ng gasolina.
“Ramdam namin ang bawat pagod at pawis na nararanasan ng isang tricycle driver sa pang-araw-araw nilang pamamasada para sa kanilang pamilya. Maraming salamat po sa inyong lahat”, mensahe ni Vryce Velasquez, Chairman ng Tau Gamma Phi.
Bilang tugon ni Silangan TODA President Christiaan Buhain, nagpaabot naman ito ng pasasalamat dahil malaking ginhawa ito sa kanila na magagamit nila ito sa maghapong pamamasada. (Gene Adsuara)